31. Who Are You?

2.4K 282 306
                                    

Qm's Note: 130V / 300C for next update.

Wayo's POV

"Walangya ka Pop! Tigilan mo ang bestfriend ko!" biglang may sumigaw habang nilalamog ako ni Pop.

Maya-maya pa ay naramdaman kong binitiwan na ni Pop ang buhok ko.

"Hayop ka Kit! Wag kang makielam dito! Away namin 'tong dalawa!" sigaw ni Pop.

Pilit syang kumakawala ngayon sa sabunot ni Kit sa kanya.

"Ai'Yo wag kang manood dyan! Tulungan mo ako dito!" sigaw naman ng bestfriend ko dahil sobrang lakas ni Pop.

So I did.

Agad akong tumayo para tulungan si Kit.

Sinipa ko si Pop sa tyan para bumawi sa ginawa nyang pagtuhod sa sikmura ko kanina.

Hindi pa ako nakuntento, sinampal at pinaghahampas ko na rin sya.

Ikaw naman ang lamog sakin ngayon, bakla ka!

"Mamatay ka ng assumera ka! Napakasama ng ugali mo! Ikaw ang totoong malandi sating dalawa!" sigaw ko habang binabalugbog ko si Pop.

"Oh talaga? Kung malandi ako, ikaw naman isang puta! Pati sa kapatid mo nagpapatira ka! Nakakadiri kang bakla ka!"

Medyo natigilan ako sa kinuda ni Pop.

Tama sya eh. Yun nga lang, 'di ako kay Kuya Nick nagpapaka-puta. So wala pa rin syang karapatan na saktan ako.

"So ano naman sayo kung magpatira ako sa kuya ko? Inggit ka lang, ulol! Palibhasa kasi 'di ka na babalikan ni Kuya Nick dahil ako na ang gusto nya! Sama kasi ng ugali mo! Baklang-talunan!"

Hindi ko na alam kung san ko pinulot ang mga sinasabi ko.

Ang alam ko lang ay gusto kong patayin sa inis si Pop ngayon!

"Malandi kang puta ka!!!!" biglang pumalag nang malakas si Pop.

Nasiko nya si Kit kaya nabitiwan sya nito.

Agad nya akong sinabunutan nung nagkaroon sya nang pagkakataon.

Syempre lumaban ako pero sadyang iba ang lakas ng baklang 'to.

Nakita kong lumapit si Kit para tulungan ulit ako pero naunahan sya ni Pop.

Pareho na tuloy kaming sinasabunutan ni Pop ngayon.

"Hindi nyo ko kaya kahit magtulong pa kayong dalawa! Palibasa puro kalandian lang ang kaya nyong gawin!"

Sinusuntok at hinahampas namin si Pop para pumalag pero 'di nya iniinda ang mga ginagawa namin.

"Ahhhhh!" sigaw namin ni Kit in unison dahil sinagad na ni Pop ang pagsabunot nya samin.

Literal na hinihilahod nya na kami paikot ngayon dito sa kwarto.

"Tangina mo Pop!!" nung nagkaroon ako ng pagkakataon ay sinuntok ko nang sobrang lakas ang titi nya.

Nabitiwan nya kami ni Kit dahil don.

"Halika na Kit!" yaya ko sa bestfriend ko.

Ayoko nang makipagbalugbugan kay Pop, parang 'di sya nasasaktan sa mga ginagawa namin eh.

Aalis na sana kami ni Kit pero naka-recover na pala agad si Pop sa ginawa ko.

Hinila nya ako nang sobrang lakas kaya na-out of balance ako.

Sinipa naman nya si Kit kaya tumilapon at na-out of balance rin 'to.

After that, agad akong dinamba ni Pop.

ThirstyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum