39: Vulnerability (Interlude)

2.2K 212 340
                                    

Qm's Note: 130V and 300C for next update. This chapter is dedicated to my beshy Harold. Maraming salamat sa new facebook cover 😘

Nick's POV

*a month later

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong mawala si Wayo pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol sa kanya.

Sumuko na ang mga police sa paghahanap.

Yung mga private investigators naman na inupahan namin ay walang maibigay na updates.

Hays.

Nasaan ka na ba Wayo?

Miss na miss na kita.

Kung alam ko lang talaga na magkakaganito ang sitwasyon ay never na akong umalis sa tabi mo.

Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi man lang kita naprotektahan.

Napakawalang-kwenta kong tao.

(vibrate vibrate)

Naistorbo ako sa pagmumuni-muni ko nung biglang nag-alert ang phone ko.

Notification: 1 message from Pent.

'Kuya, hindi ka ba uuwi ngayong gabi? Gusto ni Dad na kumpleto tayong pamilya sa birthday nya.'

Mabilis na nag-init ang ulo ko dahil sa mga nabasa ko.

Kumpletong pamilya?!

Kahit umuwi pa ako ay hindi kami makukumpleto dahil nawawala si Wayo ng dahil sa kanya!

'Hindi ako uuwi.' tipid na reply ko.

Tatlong buwan na akong nakatira mag-isa dito sa condo ko.

Pinili ko ang umalis sa bahay namin dahil 'di ko alam kung paano ko pakikisamahan si Pent.

Nagbago rin ako ng schedule sa university para siguradong 'di kami mag-aabot.

Tuwing nakikita ko kasi sya ay naalala ko yung mga kagaguhang ginawa nya kay Wayo.

Gusto ko syang balugbugin nang paulit-ulit dahil don.

'Kuya.. Alam kong galit ka sakin pero pwede bang kalimutan mo muna yun kahit ngayong gabi lang? Para kay Dad.'

Tangina. Hindi talaga sya titigil?

'Hindi ko magagawa yang sinasabi mo Pent. Mas mabuti pang wala ako dyan dahil baka masuntok lang kita kapag nagkaharap tayo!'

After kong i-send ang message ko ay blinock ko na ang number ni Pent.

Sigh.

Sorry kung 'di ko mapagbibigyan ang hiling mo Dad.

Hindi lang talaga kami pwede mag-harap ni Pent hangga't 'di nakakabalik si Wayo.

(vibrate vibrate)

Ibababa ko na sana ang phone ko nung bigla nanaman 'tong nag-alert .

Notification: 1 message from Kit.

Biglang nawala yung 'gigil' na mood ko nung mabasa ko ang pangalan ng bestfriend ni Wayo.

Every text kasi sakin ni Kit ay umaasa akong update 'to tungkol kay Wayo.

'P'Nick! Paki-seen yung picture na sinend ko sayo sa IG.'

Agad kong sinunod ang sinabi nya.

Binuksan ko yung mobile data ko at rektang pumunta sa Instagram.

Hmmm.

Selfie ng 'di ko kilalang tao ang sinend ni Kit.

'Anong meron dito Kit?' nag-reply ako sa picture na sinend nya.

ThirstyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon