Kabanata 1

5.8K 152 8
                                    

NYIF 1: BinustedCopyright©DREAm_falla

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NYIF 1: Binusted
Copyright©DREAm_falla

"Hoy!"

"Ay kabayong baka!" gulat kong sigaw.
Tinaasan ako nang kilay ni Michelle. Kitang-kita sa mga mata niya ang panunukso. Umiling at muli kong pinagmasdan ang kabuohan nang isla.
Ngayon ikakasal si Ate Seirra. At kung sineswerte pa ako, dito rin iginanap ang gig nang Knights of the Sea kahapon. Kaya eto ako, mukhang bangag.

"Umayos ka na nga. Ilang oras nalang magsisimula na ang seremonyas. Hindi ka pa naayosan nang buhok." wika ni Michelle, ang pinsan kong nagtratrabaho sa Bluemoon Music Industry.

Kung swineswerte ka nga naman--No, swerte talaga ako. Manager si Ate Michelle nang Knights of the Sea, kaya nga nakapasok ako doon 'di ba?

At kaya nga nasimulan na ang love story namin nang asawa kong si Haleth 'di ba?

Tama. Masisimulan na sana 'yun, kung hindi lang umeksena ang bruhang 'to.

Agad akong napatingin kay Michelle na tawang-tawa habang nagtitipa sa cellphone niya. Kita mo 'to?! Tuwang tuwa pa! Habang ako?!

Ako na inudlotan niya nang happy ending! Walang hiya!

Sinamaan ko siya nang tingin. Bwiset!

"Huwag mo nga akong titigan nang ganyan, Coralia. Magmumukha kang may gusto sa akin. Aakalain nilang tibo ka."

Ano?! Napaigting ako nang aking panga. Mabilis kong ibinato sa kanya ang throw pillow.

"Ano ba, Coralia!" reklamo ni Michelle sa akin nang tamaan siya sa ulo.

Buti nga sa kanya! Kakatapos niya pa naman magpa-ayos ng buhok.

I glare at her. "May kasalanan ka sa akin! Akala mo 'di ko nakakalimutan ha?!" sigaw ko sa kanya. "Hoy para sabihin ko sa'yo matalas nag memorya ko!"

Napakunot siya ng kanyang noo, na tila ba'y may inaalala. Pero sandali lamang iyon, dahil napalitan ito nang nakakainis na ngisi.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?! Punitin ko iyang labi mo eh!" inis kong sigaw sa kanya.

Buti nalang, kami lang ang nandito sa room.

"Ah, tinutukoy mo ba ang nangyari kagabi, Coralia?" pangangasar niya pa.

Uminit na naman nag ulo ko. Damn it!

"Oo! Kung hindi ka lang naman umeksena kahapo--"

"kung hindi ako umeksena kahapon, uuwi kang luhaan at matuturn off ka kay Haleth. Ayokong saktan ka." seryosong sabi ni Michelle sa akin.

Napakunot ako nang akin noo. Anong pinagsasasabi niya diyan?

"Ano? Anong matuturn off! Ikaw ha, gumagawa ka nang istorya para pagtakpan ang kataksilan mo kahapon!" akusa ko sa kanya. "Kung hinayaan mo lang sana akong dalhin ni Haleth sa backstage, edi sana nagkakwentohan pa kami! Magsisimula na ang love story naming dalawa!!"

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now