Kabanata 36

2K 109 32
                                    

NYIF 36: Worries

"Sorry natagalan." pag uumanhin ko kanila Carrie pag-upo ko. 

The meal is already serve. Hindi naman talaga matagal ang pag-uusap namin ni Haleth, sadyang nagpahangin lang talaga ako sa labas at nag-isip muna. Hindi ko gusto kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. It makes me feel horrible--less human.

"That's fine, maldits." irap na sagot ni Carrie sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako. Halatang nagtatampo pa rin siya dahil sa ginawa ko. Kahit ako rin naman, nagsisisi na inaya pa si Andy sa dinner na ito. Pero, gusto ko lang naman ipakita sa kanila na wala na talaga. Wala na akong nararamdaman kay Zale. Gusto ko sila kumbinsihin na tapos na...pero alam ko na nagsisinungaling lang din ako.

Hindi si Carrie ang gusto kong kumbinsihin, kundi ang sarili mismo.

"It looks like you had some quality time with your boyfriend." kumento ni Andy sa akin habang nakangiti ng inosente.

Tinitigan ko siya. She has this innocent, kind and sweet aura. Mga bagay na malamang ay wala ako. Napasulyap ako akay Zale na nakatingin din sa akin. Nakakunot ang noo. Doon lang ako natauhan, mukhang napatagal ang pagtitig ko sa kasama niya.

"Ah." I blink. "Yes. We talked about something. I guess, I forgot about the time."

Andy giggle. "Oh, no! That's fine! I'm like that too, you know? When I'm talking to this man--" aniya sabay turo kay Zale. Her cheeks even blushed! "I lost the track of time."

Ngumisi lamang si Zale at hindi na nag kumento.

I cleared my throat. Another set of familiar feeling had brought me back to the past. Parang unti-unti ako nitong ginigising. 

Ano ba, Lian! Umayos ka nga! Bakit ganyan ka? Hindi dapat ganito!

Carrie sense my tension. "Hey! Let's eat!" pag-aanyaya niya.

Hindi na ako muli pang nagsalita. Ayokong may masabi. Mas gugustohin ko pang manatiling tahimik. Sobrang dami pang bumabagabag sa akin. Sa sobrang dami ay parang gusto ko nang ibaon ang sarili sa lupa dahil ang sasama nito. 

When I got home, mabilis akong humilata sa kama. Nakatitig sa kisame at halos wala nang pumasok sa isipan ko.

Gusto ko nalang magpahinga. 

My phone beeped.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko pa nate-text si Haleth na nandito na ako sa condo. Ewan ko, parang biglang ayoko muna magpakita sa kanya. Nakakahiya na hindi ko malaman.

I must be the worst person. Para akong nawalan ng tinik sa lalamunan ng makitang si Carrie lang pala ang nag text sa akin.

Carrie :

I don't know what's happening to you, Maldits. But you better tell me sooner.

Agad na kumunot ang noo ko ng mabasa ito. 

Ako:

Ano ibig mo sabihin?

Carrie:

You know what it is. Isa lang ang puwede, Coralia. Walang buy 1 take 1 sa tao. Malandi ka na kung ganon.

I gulp hard.

Damn it.

Agad kong itinabi ang cellphone. I close my eyes. Itinabon ang kanang braso sa aking mga mata. My breath are uneven. Sobrang bigat.

Dear God, what should I do? Wala na di ba? Kasi noong sinagot ko si Haleth alam kong wala na talaga. Tapos noong nagkausap kami ni Zale noong nakaraan, alam ko sa sarili kong masaya na ako. Pero nang nakita ko si Andy... bakit ganon? bigla nalang ako nalungkot? Nasaktan? 

Bakit pakiramdam ko...ang tanga ko? Na wala na akong nagawang tama? Ayokong mawala si Haleth sa akin...kasi totoong mahal ko yung tao. Pero bakit ako nagkakaganito?

I don't know what to do.

Litong-lito na ako.

***

For the past days, palaging pumupunta si Andy sa office namin para dalhan ng pagkain si Zale. Inaaya niya kami ni Carrie, pero kanya-kanya kami ng tanggi. Hindi naman ako ganon tanga. Tama na ang isang pagpapahirap sa sarili. 

"Magle-leave ka ng isang linggo?" nagtatakang tanong ni Carrie sa akin habang inaayos ko ang gamit ko.

Tumango ako sa kanya. Isa rin ito sa na isip ko sa nagdaang araw. I need to have some time for Haleth. Simula kasi nag law school siya, hindi na kami ganoon lumalabas. Ngayon ang huling araw niya sa finals nila. Susupresahin ko siya sa eskwelahan tapos papatulugin muna sandali sa bahay bago kami maghanap ng ireregalo kay mama.

"Bakit?" tanong pa ulit ni Carrie.

Nagkibit balikat ako. "Priorities."

Kumunot ang noo ni Carrie. Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. Laking pasalamat ko nalang dahil hindi na siya nagtanong nang kung ano pa.

Katulad ng plinano ko, dumeretso ako sa eskwelahan ni Haleth.

Madami pang estudyante sa hallway. Halatang nagkokompermahan pa sa mga isinagot nila. Panay ang paghahanap ko sa kanya. Mabuti nalang alam ko kung ano ang room niya.

My forehead creased. 

"Haleth!" A small chinita girl. Maputi at ang cute niya pero hindi ko gusto ang mga mata niya nang lumingon si Haleth sa kanya.

"What?" walang ganang tanong ni Haleth sa kanya. He even checked his wristwatch. Halatang nagmamadali at walang panahon makipag-usap.

"Ano sagot mo sa number 3? Sa tingin mo ba dapat hatulan ng imprisonment ang accused? Sa akin kasi--"

"I don't know. Asked Kiel. He knows better." Masungit na tugon ni Haleth.

Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga ang sungit nito. Pero nakakatuwa lang din. 

I saw how the pain covered the face of the cute girl. Pero mabilis niya itong tinakpan at ngumiti na para ba'y di nasaktan.

"Ah, ganon ba? Sige, pasensya na." nahihiyang ani ng babae muling tumalikod.

Tumaas lang ang kilay ni Haleth bago tumalikod din.

"You're too rude." Hindi ko mapigilan sabihin ng humakbang ako palapit sa kanya.

He stopped. Halatang papatakbo na siya, pero ng makita ako at narinig, napatigil siya. He's eyes widen. Napanganga pa siya ng kaonti.

I chuckle. Sinong nagsabi na masungit at walang emosyon ang lalaking ito? Eh, isang gawin ko lang, kung ano-ano nang pumipinta sa mukha niya.

"L-love?" nagtataka at gulat pang sabi niya.

Tumango ako. I smile widely at him. Mabilis kong ipinulubot ang kamay sa batok niya habang nakatingin sa mga mata nito. He did the same, mabilis niyang inilagay ang kamay nito sa bewang ko.

"How was your exam? Did you slay them?" 

Nakatitig pa rin ito sa akin at bahagyang nakabuka ang bibig. Gusto ko siyang batukan! Hindi ko alam kung nagulat ba talaga siya o nilalandi ako? Ang sarap niyang halikan ngayon.

"You're here." halos pabulong niyang sabi niya sa akin.

"Yes." 

He blinks. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin pagkatapos kong sumagot. He smirks.

"Fuck. You're beautiful and mine. I love you so much." he said before he envelope my lips with him.

My heart skipped faster. I totally love this man. Hindi ako gagawa ng kahit anong pwedeng magpasira non. Maybe, this is just a temptation. Baka sinusubok lang kami. Hindi ako bibitaw. Hindi ako bibitaw sa kanya, sa amin dalawa.

Nang bumitaw na siya. I remained my eyes close.

Zale is the past. Haleth is the present and I don't want to do something that can make me lose all of this. Not again.

###

iyan muna, ud ulit ako bukas. Tatapusin ko na to.

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now