Epilogue 1 of 3

2.5K 87 22
                                    

Haleth

"Kuya, I have a crush."

Napatigil ako sa pagbabasa nang libro dahil sa sinabi ni Chelsea. Crush? Ang bata niya pa!

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang namimitas nang bulaklak ni mama. Pagnahuli talaga siya ni Mama, pagagalitan 'to.

"Sino?" Di ko maiwasan hindi matanong.

Tumigil siya sa pagpipitas at humarap sa akin nang nakangiti. Gusto ko siyang pisilin sa ilong dahil naninibago ako sa ngiti niya. Bakit ganon? sobrang laki naman yata nang ngiting iyan.

"Si Zale!" sambit niya pa. "Hayaan mo kuya, ipapakilala ko siya sa'yo mamaya sa birthday ko." dagdag niya.

Hindi na ako nagsalita at tinitigan nalang siya habang nagtataka pa rin kung sino si Zale. Tulad nang sinabi niya sa akin, talagang pinakilala niya nga ito. Nakapink dress siya habang hila-hila ang isang lalaki na nakabow tie katulad ko. Nakanguso ito habang nakatingin kay Chelsea at ang kapatid ko naman ay napakalawak nang ngiti.

"Kuya! Si zale! Zale, si Kuya!" pagpapakilala ni Chelsea.

Sumingkit ang mata ko nang makita ang kamay nang kapatid sa braso nang di ko kilalang lalaki.

"Omg." The boy who I think the same age as mine, exclaimed. Napakunot nalang ako sa noo ko habang nakatitig sa lalaking iyon.

"Zale, this is my Kuya! You two are in the same age!" masyado naman yatang masigla ang kapatid ko.

Napailing nalang ako sa kanila. "You're too young to have a crush, Chelsea." pagpapaalala ko sa kapatid.

She pouted. "There is no age in crush."

"Oo nga!" singit pa ni...ano nga ulit pangalan niya? Zayn? Zeke? Zale? Napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin. Problema niya ba?

"See? My future husband even agreed!" wika ni Chelsea na ikinagulat ko. Future husband? Ganyan niya ba kagustoxang lalaking ito at napaisip na siya sa mga ganoong bagay? Isusumbong ko ito kay Mommy!

I was about to lecture her again, but my attention cut off and glance at the new girl. Nakakunot ang noo niya sa amin habang may dalang marshmallow. Tumabi siya kay Zale at kinalabit ito.

"Sissy, may chocolate fountain doon. Tara." rinig kong bulong niya kay Zale habang tinuturo ang desert area.

Napakurap ako. She's beautiful. Oo maganda siya. Hindi gaanong maputi, at may pagkainsik ang mata. Napakahinhin nang galaw at kahit ang kanyang pagsasalita ay ganoon din.

I gulped when she glances at me.

She smiled na para ba'y kilala niya ako pero agad din nawala dahil nilingon niya agad si Zale.

"Tara?" pag-aanyaya niya ulit.

"Saan kayo? Sama ako!" si Chelsea.

"Sa chocolate fountain, Chels. Gusto mo?" marahan niyang tanong sa kapatid ko.

Tumango naman si Chelsea at agad na hinila si Zale na nakatingin parin sa akin at iniipit ang buhok sa tenga niya.

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now