Kabanata 7

2.8K 139 1
                                    

NYIF 7: First Day

Copyright ©DREAm_falla

"Kabwiset."

Napangiwi ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko narinig ang mga katagang iyan sa taong katabi ko ngayon. Mukhang lumagpas na nga nang sampung beses eh.

Lumingon ako sa kanya na nakapangbabae pa na upo. He's wearing a make up. Kitang-kita ang blush on niya at ang color red niya na labi. He also bring his handy bag that shouting of million dollars. Bwiset, naka Prada na bag ang baklang 'to. Kinabog niya ako sa pormahan niyang naka off-shoulder at skinny na pantaloon.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa labas nang bintana. Seriously, kung gaano ka bwiset at irita ang nararamdaman niya, kabaligtaran ang akin.

I am damn, happy right now!

Magkikita kami ni Haleth! Nasa iisang lugar nalang kami. Iisang lupa, hangin at building! My very beautiful and sexy heart will be exploding right now! Para akong nakaiinom nang isang baril na kape sa sobrang kaba ko. 'Di na ako mapakali!

"Tss." Padabog niyang ibinaba ang kanang paa niya mula sa pagkakadekwatro.

I rolled my eyes. "Alam mo, Bakla? Kung ako sa'yo, titigilan ko na ang pagkunot nang noo ko. Kulang nalang mapagkamalan nang ampalaya ang noo mo sa kakakunot." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Bumaling siya nang tingin sa akin. He glare at me. Kita mo na! kaya ayokong kasama ito, eh!

"Tigil-tigilan mo ako, ha? Kung ayaw mong masipa kita palabas nang kotseng ito! Ipapaalala ko lang sa'yo, akin ito!" aniya.

"Oh, edi sa'yo! Inaangkin ko ba?"

He gritted his teeth. Napapikit siya nang mariin at halatang nagpipigil nang inis. "Bakit ka ba sumabay sa akin ha?" inis niyang pahayag.

"Bakit? Sa tingin mo ba, gusto ko rin na makasabay kita?!"

"Sinabi ko ba, ha?"

Sinamaan ko siya nang tingin. How can he manage to change my mood right now? Kasalanan ko ba na nagkasundo ang mama naming dalawa? He knows that I cannot disobey my mom's order. Edi sana, sinabihan niya nalang ang mommy niya na ayaw niya akong isabay, 'di ba?

Ewan ko rin sa Mommy ko eh. Hindi ko makuha ang logic niya. Bakit niya naman ako ipapasabay kay Zale, eh may sarili naman kaming driver?! Ano 'yun? Para makatipid nang gas?

Naghihirap na ba kami?

Umirap ako sa kanya. Padabog akong sumandal sa backrest at humalukipkip. "Bakit 'di mo nalang kasi sabihin kay Tita, na huwag na akong isabay sa'yo? Alam mo naman na hindi ako makakapag-angal kay mommy!"

Hindi siya umimik, sa halip ay padabog din siyang sumandal sa backrest. I rolled my eyes. Gaya-gaya ang beking 'to!

May binulong siya na hindi ko maintindihan. Kumunot ang noo ko. "Anong sabi mo?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Baka, minumura na pala ako nito."

"Wala!"

Tinaasan ko siya nang kilay. "Oh? Galit ka na niyan?" inis kong tanong.

Tinaasan niya rin ako nang kilay. "Pake mo bang, bruha ka?"

Sumingkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Panget!"

Peke siyang suminghap. Itinuro niya pa ang napakachakang mukha niya. "You called this face, ugly?!"

Muli akong umirap. "Inenglish mo lang."

"You--!" nang gigil niyang sabi. "Kapal nang mukha mong sabihan akong panget!"

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now