Kabanata 19

2.5K 140 33
                                    

I badly need your comments right now.


NYIF 19: Start Over


"A-ano?" halos pabulong at nawawalang lakas na bigkas ni Zale. Kitang-kita ko kung paano siyang natulala nang ilang segundo.

I sadly smile. I wipe the tears that keeps on falling from my eyes. Grade, sa isang pag-amin lang, kaya nang ibalik ang sakit na matagal ko nang tinatago. Wala naman talaga akong plano eh. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang rason ko.

I stayed silent. Humihikbi ng tahimik at hindi makatingin sa kanya ng diretso. His eyes lock on mine, still surprised from what I had just confessed.

"Y-you w-what?" he trailed off.

Napahilamos ako sa aking mukha. "What you hear is true, Zale. Hindi ko na iyon sasabihin ulit."

Sumeryoso muli ang kanyang mukha ngunit may bahid nang akusasyon at galit ang kanyang mga mata. "At bakit, hindi? I deserve to know the truth! Anong pinagsasabi mo dyan? You like me? Do you think it's easy for me to believe you?" aniya nang puno nang galit.

Napailing ako. Really? Sa tingin niya talaga, gumagawa lang ako nang kwento para pagtakpan ang kasalanan ko?

I'm a coward, but not a liar.

"And do you think it's easy for me to fall for my bestfriend?" I asked him back. Another tear falls from my eyes, but this time I didn't bother to wipe it away.

I know he's hurting. At gusto ko ring makita niyang nasasaktan rin ako. Na hindi lang siya ang nahihirapan. Na sa apat o limang taon na pag-iwas sa kanya ay kalian man hindi nawala ang pagsisisi at galit ko sa sarili.

He stopped. Mukha siyang binuhusan nang malamig na tubig. Finally, this time, parang nakuha na niya. Parang narinig na niya ng maayos.

Na ako—Coralia Raisen Luna, has fallen so much deeper to her bestfriend.

"N-No. T-That's not true." Pa-iling-iling niyang sabi.

"It is. That's the truth, Zale."

"No..."

"Yes, it is—"

"I said, No!" he snapped.

My eyes widen.

"Hindi iyan ang totoo! I can't! It can't be!" aniya. Ginulo niya ang kanyang buhok. He looks at me desperately. "P-please, Lian. That's a lie, sissy. I can forgive you, but don't give me that reason. You didn't fall in me, right?" he beg.

I bit my lowerlips. Damn it. Just damn it. Bakit ayaw niya ba? Bakit ba? Bakit hindi niya nalang tanggapin? Ganon ba talaga kahirap tanggapin ang pagmamahal ko? Hindi ko na kayang magsinungaling. Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko at ang mga taong nakakasalamuha ko. Hindi ko na kaya.

Nanginginig niyang hinawakan ang aking mga kamay. "Please, hindi naman totoo di ba?" he desperately asked.

Hinawi ko ang mga kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Ang unfair mo naman, Zale." Nanghihina kong sabi sa kanya.

I have to let go of this.

Kailangan.

He look at me in disbelief. "What?"

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang mga kamay ko. I cried. Ang sikip-sikip sa dibdib. Parang huminto ang puso ko sa kakatibok.

"A-ang unfair mo..." hikbi ko. Pinunasan ko mukha ko, bago siya muling tignan. "Akala mo ba, ikaw lang ang humihiling na sana, hindi ito nangyari? Na sana panaginip lang ito o kaya nagloloko lang ako? Hindi. Hindi lang naman ikaw eh. Ako rin. Ako rin, Zale."

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now