Kabanata 21

2.4K 123 17
                                    


NYIF 21: Weird


"Whoa, Whoa, Whoa."

Pareho kaming napatingin ni Zale kay Carrie. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa amin ni Zale. He looks amused by the sight he is seeing. I blink. May hawak na brush si Zale habang ang kabilang kamay niya naman ay nakahawak sa baba ko, pilit na nilalapit sa kanya.

I flushed.

Mabilis akong lumayo, ngunit nahuli ni Zale ang braso ko at pinigilan ako. His forehead creased and he looks pissed on me.

"Ano ba, sissy. Nilalagyan pa kita ng blush on. Fresh from Japan pa naman ito." Reklamo niya sa akin. Ngumuso pa ito habang muling nilalagyan nang blush on ang mukha ko.

I heard the noise of a dragging chair. Nilingon ko si Carrie at nakumpiprma na siya nga ang gumagawa non. He placed his chair in front of us. Umupo pa siya ng pambabae habang nakasabit sa elbow niya ang kanyang Louis Vuitton na bag.

Damn this gays. Ang yayaman.

"Okay na kayo?" Carrie asked—like his innocent.

I rolled my eyes. "Wow. Innocent." I sarcastically said.

Napatigil si Zale sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya at halatang hindi naintindihan ang sinabi ko. "What do you mean, sissy?" he asked.

I shrug.

"Hey! Ang sungit mo talagang maldita ka." Saad ni Carrie sa akin sabay tapon ng wet tissue sa mukha ko, na mabilis rin naming sinangga ni Zale.

"Hey! Masisira ang make up niya! Pinaghirapan ko 'yan!"

Pinandilatan ako ng mata ni Carrie, but I just get my tongue out on him. "Manipulator gay." I teased.

"Now, what do you really mean, sissy?" naguguluhang tanong ni Zale habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Carrie.

"Why don't you ask your friend?"

Lumingon siya kay Carrie at halatang hinihintay ang sagot nito. Carrie squinted on me. I chuckle. Halata kasing nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang katotohanan kay Zale na siya ang may pasimuno ng pag-uusap namin sa E.R.

"A-ano." Carrie looks so troubled.

Napailing nalang ako. "Sige, labas muna ako." I excused myself. Napatingin si Zale sa akin ng tumayo ako.

"Where to?" he asked.

Kinuha ko ang water bottle ko. "Refill." I explained.

Tumango siya at tumayo rin. "Sige. Sama ako." Aniya sabay kuha ng water bottle niya.

"Huh? Di ba, tatanongin mo pa si Carrie." Naguguluhang tanong ko sa kanya, sabay tingin kay Carrie na nagtataka rin kay Zale.

"Yes, but that can wait." He replied.

Nagkatinginan kami ni Carrie, parehong hindi naiintindihan ang mga kilos ni Zale. Carrie looks bewildered and I look so amused by Zale's actions.

"Taralets?" maarteng wika ni Zale.

Dahan-dahan akong napatango at tumalikod sa kanya. We both made our way to the exit doors, and we both heard Carrie's rants about our sudden departure.

Walang nagsalita sa amin ni Zale. Nasa likuran ko lang siya, sumusunod sa akin. Habang ako ay mas minaiging huwag siyang balingan ng tingin. I stopped walking when I saw who's standing in the water refill area.

No, yet I fall (Complete✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon