NYIF 14: Trouble
©DREAm_falla
Napakurap ako. Hindi natuloy ang planong pagsarado ko sa pintuan. I just stood in there, staring at his emotionless face. Hindi siya nakatingin sa akin. He is just looking straight.Natutuyo ang aking lalamunan. I don't know what to say.
Kaya ba ganyan siya umakto dahil nakalimutan kong magpaalam? Hindi ko naman sinasadya ah. Atsaka, sa paraan ng pagsasalita niya, alam kong may iba pa siyang pinapahiwatig.
At alam ko kung ano iyon.
"Z-Zale..." Tangi ang pagbigkas lang ng kanyang pangalan ang nagawa ko.
Yumuko siya, dahilan para 'di ko makita ang mukha niya.
I gulp.
"A-ano kasi... Kinuha kasi ni--"
"Nevermind. Like, I care." aniya sa napakaarteng boses. "Pakisarado ng pinto."
Dahil sa pagkakataranta ay mabilis kong tinalima ang kanyang utos. Wala pang limang segundo ng pagkakasarado ko sa pintoan ay mabilis nang umalis ang kotse niya.
Nanatili akong nakatayo. My hands are shaking. My heart is palpilating. Nakatingin lang ako sa sasakyan niya na unti-unti ring nawala.
I sighed.
Tumalikod ako at binuksan ang gate.
For a moment, the memories of the past flashes on my mind.
* * *
"Gora! Posing na, Lian!" excited na utos sa akin ni Zale pagkatapos niya akong bihisan at lagyan ng make up.
I am wearing a flowery dress. Nakabraid din ang buhok ko at may nakalagay na flower crown sa ibabaw ng buhok ko.
Nakasimangot ako habang nakatingin sa camera na inilabas ni Zale. Like me, may flower crown din siyang suot at nakamake up. Only the difference is that, he's wearing a long sleeve polo and a faded jeans.Nakasabit sa leeg niya ang bagong labas na Camera. It's too expensive. 'Yan kasi ang gusto niya eh, kung hindi dancing--photography naman.
Ibinaba niya ang camera ng napansing nakasimangot ako.
His forehead creased habang nakatingin sa camera bago sumulyap sa akin.
"What's the problem, sissy?" he asked ng nakaupo na siya sa tabi ko.
I crossed my arm. "Zaley, you know na kailangan nating pumunta sa birthday ni Chelsea 'di ba?"
He rolled his eyes. "Wala akong pakealam sa impaktang iyon."
Sinamaan ko siya ng tingin. "But!!"
"Look, Lian. Kung nandyan si Haleth, pupunta ako doon. Pero waley ang bebe ko. So, magtiis siya. And it is so yucky kaya! Me? Magiging escort niya sa 12th birthday niya? No, no, no!" he complained.
YOU ARE READING
No, yet I fall (Complete✔️)
General FictionGay story #3 Hindi. Ayoko sa baklang iyan! Ayoko sa kanya! Kahit anong gawin niya ay nakakairita sa paningin ko! Nakakairita siya! Sobra! Ayoko sa kanya, pero nahulog pa rin ako. Nahulog ako at ang hirap nang ibangon. Ayoko sa kanya, pero mahal ko...