Kabanata 17

2.5K 129 24
                                    

NYIF 17: Confess


" Sa bahay kayo mag cecelebrate ng chrismtas?" curious kong tanong kay Zale habang naglalakad kami patungo sa building naming. Today is our Christmas Party, at last day na rin naming bago mag Christmas break.

"Yesh. Nagtalk kasi si Mother rainbow, kay Tita. You know, my mom suggested it and Tita agreed. Para kasi silang magkapatid eh." He giggle. "Parang tayo lang, sissy."

Napahinto ako sa huling sinabi niya. May kung anong kumirot sa akin. Shit. Ano ba 'to? Wala naming mali sa sinabi niya ah.

"Ayos ka lang ba, sissy?" tanong ni Zale sa akin ng napansing huminto ako.

I forced a smile. "Yes. I'm fine." I lied.

Yeah, I will be fine.

"May gift ka na ba sa akin?" wika ni Zale. "Dapat maganda ha!" he said.

Now that he mention it, wala pa nga pala akong naiisip na iregalo sa kanya. Ano naman kaya ang ireregalo ko? Eh, parang nasa kanya na ang lahat ah. Make up? Nah. Meron na siya non.

I sighed. "Bakit? Meron ka na bang regalo sa akin?" panghahamon ko sa kanya.

Mabilis siyang naubo. "Ang kati ng lalamunan ko." Biglaan niyang ani.

Tinaasan ko siya ng kilay. Oh, ano ngayon?

"Gandahan mo rin ha." Panggagaya ko sa sinabi niya sa akin.

He looks uneasy. Gusto kong matawa sa itsura niya. Halatang wala pa rin siyang nabibili na regalo para sa akin. Ang lakis rin ng loob niyang manghingi nang regalo, eh wala naman siyang naibibigay. "Ano? Ano ka ngayon, ha."

He cleared his throat. "Sige, sissy. Pasok na ako! Babush!" nagmamadali niyang ani bago tumakbo patungo sa classroom niya.

Napailing nalang ako. Napatitig lang ako sa daang tinahak niya. My smile faded.

Now, what should I give him?

MABILIS ang takbo ng panahon. Nakahiga ako sa aking kama, habang nakatingin sa kisame ko na may paint na mga lanterns.

I sighed. Ilang oras nalang at pasko na. Naghahanda na sila Mommy para sa celebration para mamaya, kasi pupunta ang Vasquez dito sa bahay. Tapos, heto pa rin ako, hindi alam kung ano ang ibibigay kay Zale.

Ginulo ko ang buhok dahil sa pagkakafrustrate. Nakakainis! Nabigyan ko na siya ng T-shirt, ng make up, clip, bag o kung ano mangpangpaganda. Ngayon, naubusan na ako ng ideya. I can give him a make-up again. Pero...ewan ko ba sa sarili ko!

Hindi ako mapakali. I want to give him the best.

Biglang may kumatok sa pintoan ng kwarto ko. Napatingin ako doon. Hinintay kong may pumasok, since, hindi naman ako naglolock ng kwarto.

Iniluwa nito si Ate Seirra na dress at nakalugay ang buhok. Inayos niya ang kanyang eyeglass.

"Hey, lil sis." Aniya.

Umupo ako at inayos ang magulo kong buhok bago ngumiti kay Ate Sierra. "Hi ate."

Naglakad siya patungo sa akin. Umupo siya sa dulo ng aking kama. "Hindi ka pa lumalabas. Kumain ka na ba?" She gently asked.

I pouted. Bakit ganon? Ang hinhin ni ate. Para siyang reincarnation ng isang mabuting maria clara. Bakit ako? Hindi ganon? Ang kulit ko. Ang ingay. Tapos mainitin pa ang ulo.

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now