Kabanata 24

2.7K 136 69
                                    

follow me on twitter: DREAm_fallaWP  let's talk in that account dear. You can freely asked me questions in there. Anyways, happy reading!


NYIF 24: Direct Message


I always reminded myself not to get hurt. I always told myself not to let anybody give them the power to scratch me. They don't have the power to rule over me. But Zale is different—because I let him be different to others.

Isang salita niya pa lang, ang laking apekto na sa akin.

Isang galaw niya lang napapansin ko na.

Isang lambing niya lang, bumibigay na kaagad ako.

Kaya isang pag-iwan niya lang, parang binubugbog na ako.

Ang hirap ng ganito. Para na akong isang aso, na kahit gaano niya man saktan, kahit gaano niya man ipagtabuyan, isang tawag niya lang, babalik at babalik ako sa kanya. Kailan ko ba matututunan na patigasin ang puso ko sa kanya?

Hindi ko napansin na nasa school garden na pala ako. Nasa Coliseum pa ang karamihan ng estudyante kaya walang tao sa garden ngayon. Mas maganda na rin ito, atleast walang makakakita sa aking umiiyak.

"Tss."

I blink. Agad akong napatingin sa tabi ko. "H-haleth..." Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na siya!

Hindi siya nakatingin sa akin. Nasa bulsa niya ang kanyang mga kamay. His face looks so calm, pero ang mga mata nito ay parang nasa malayo ang tingin. Sa daming tao dito sa school, siya pa talaga ang nakakita sa akin.

"Bakit ka nandito?" I asked. Agad kong pinunasan ang luha ko. I don't like anyone seeing me cry.

"Bakit? Ikaw ba ang may-ari nito?" pilosopo niyang tanong.

"Hindi—"

"Hindi naman pala eh." He cutted me off.

I glared at him. There is no point arguing with him. Wala naman kasi siyang sense kausap. Parang lahat nang sasabihin mo ay hahanapan niya ng lusot. Bagay nga sa kanya ang Strand na HUMSS.

We both keep silent. Ayaw ko rin kasing magsalita. Tulad niya, nakatingin lang ako sa unahan, thinking about all the possibilities. Hindi ko na alam kung papaano ko pa pakikisamahan si Zale ngayon. Mag-iiwasan na naman ba kami? Tapos ano? Maraming taon na naman ang masasayang? Hanggan kailan kami ganito?

Hanggan kailan ako magkakaroon ng nararamdaman sa kanya?

"Tss. Hobby mo ba ang umiyak?"

I wipe again my tears. Damn it. Bakit ba ayaw huminto ng mga luhang 'to?

"Ikaw? Hobby mo ba ang sumira ng mood?" I frowned.

"Tss." Aniya.

Hindi ko nalang siya pinansin, baka kasi siya pa ang mapagbuntungan ko sa lahat ng nararamdaman ko ngayon.

My eyes widen. Napatingin ako sa inabot niyang panyo. Lumingon ako sa kanya ngunit nakatingin lang siya ng diretso, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Tanggapin mo na. Hindi ako araw-araw na mabait." Suplado niyang ani.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Hindi ka naman talaga mabait." I corrected him. Yes, that's true. Hindi naman talaga siya mabait. Kahit noon pa man, napakasuplado niya na.

He gave me a quick glance just to glare at me. "Shut up. Ano, kukunin mo ba o hindi?" aniya na tila ba ay napipikon na.

I chuckle. Ang liit lang nang pasensya niya! Umiling nalang ako at kinuha ang panyo niya. "Oo na." I said defeatedly kahit na may namumuong ngiti sa labi ko.

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now