Kabanata 29

1.8K 123 26
                                    


NYIF: Haleth's string


Paano pa ba umahon pagkatapos mo malunod?

Paano pa ba mabuhay, pagkatapos mo ibaon sa kabaong?

Tangina. Too much love will kill you nga talaga. Malas ko lang, kasi nabiktima ako.

Napatitig lang ako sa kisame habang nagdadalawang isip kung papasok ba ngayon o hindi na.  Paano pag magkita kami? Anong gagawin ko? Iiwasan ko ba siya? Maiiwasan ko ba siya? Katulad ng nagdaang araw, wala akong plano sa lahat. 

I feel nothing.

Wala akong ibang maisip kundi ang mag mukmok nalang at tumitig sa iba't-ibang kagamitan, trying to see some interesting about those things. 

But my thoughts stopped when my door creaked open.

"Tumayo ka na dyan, Coralia." seryosong wika ni Mommy.

Napatingin ako sa kanya. When we were at London, tahimik niya lang ako pinagmamasdan. Siguro dahil ay hindi kami sanay na mag-usap ng masinsinan? Palagi niya nalang kasi ako pinapagalitan.

"Babangon ka dyan o ako mismo ang hihila sa iyo?"pagbabanta niya.

I sighed. "Babangon po." mahina kong tugon.

Tumango siya. "I'm expecting you downstairs after 30 minutes." 

I nodded. "Yes, mommy."

"Good." aniya bago isinarado ang pintuan.

Again, I was left alone. Silence consumes this four fucking corners of the room. Kahit umaga na, parang hapon lang sa kwarto ko. Walang kurtinang gusto magbigay ng liwanag para sa akin.

I deeply sighed. Tumigilid ako dahilan upang makita ang hairpin na ibinigay ni Zale sa akin noon pati na rin ang pictures namin. Simula noong bata pa kami, hanggan noong nag grade six kami. Tapos may mga family gathering na magkatabi kami pero magkagalit sa isa't isa.  Before I know it, my tears fell as I grip the pillow harder like I am asking for its strength.

How can I still possibly stand after the downfall?

***

"Hey."

Wala sa sarili akong napatingin sa taong katabi ko na ngayon. He's smiling but it didn't reach his eyes.

"Hey." I replied as I continued to walk.

Today is the first day of the second week of January. The clouds are in gray scale, tiny bits of its rain are pouring gently but it will last longer. Malamig din ang simoy nang hangin kaya marami sa estudyante ngayon ang nakajacket.

"How are you? I heard you spent your break in London?" aniya.

Pareho kaming umaakyat ng hagdan habang nakatingin sa unahan. Para ba'y tinatanto ang nararamdaman ng bawat isa.

I shrug—not really fond of talking right now. "It was for the best, sabi ni Mommy."

"Was it really for the best?" paninigurado niyang tanong.

Napatigil ako. Was it? Was it, Coralia? Hindi ko alam. It really did help me to think again, pero iyon lang. Wala nang iba. Alam mo yung pakiramdam na para bang kinuhanan ka ng kaligayahan? Iyong nasanay ka na sa isang bagay tapos bigla nalang mawawala sa iyo at hindi mo na alam kung paano magsisimula muli?

Iyan. 'yan ang nararamdaman ko ngayon.

He stopped walking too. Pumunta sa harapan ko si Haleth habang nakayuko upang makita ang aking mukha. When his eyes met mine, I know we're feeling the same way.

No, yet I fall (Complete✔️)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora