Kabanata 18

2.5K 149 54
                                    


NYIF 18: Pagod



Namamaga at namumula ang aking mga mata nang makita ko ang refelction ko sa salamin. My hair is messy and I look too lifeless. I cried so much until midnight. Mukhang nakatulugan ko na nga ang pag iyak eh.

I sighed. Akala ko, pag naiyak mo na nang sobra ang mga hinanakit mo, wala ka nang mararamdaman na kirot pagkatapos. Pero parang mali ako.

The pain is still here. Hindi nawala, sahalip ay parang nadagdagan pa nga. 'Yung sakit na may halong pagod.

Pagod na pagod na ako.

Pagod na pagod na akong magpanggap. Pagod na akong isarili lang ang sakit. Pagod na akong manahimik. Pagod na akong umiyak kada naaalala ko ang ginawa ko noon at gigising sa umaga na wala pa ring nagbago. Walang improvement. At tanggapin ang katotohanang, ako at si Zale ay Malabo nang mangyari.

Kasi kasalanan ko naman 'di ba? Ako ang lumayo. Ako ang dumedma sa kanya. Ako ang naghanap nang buhay na wala siya. Ako iyon. At may karapatan siyang magalit sa akin. May karapatan siyang mangbintang.

I frustratedly sighed. Binuksan ko ang gripo at agad na naghilamos.

Today is another day. Meaning, bagong araw para sumabak sa isang gyera.

***

"Nasa labas na si Manong Lyle. Mukhang kanina ka pa hinihintay ni Zale." Wika ni Daddy sa akin nang pumasok siya sa dinning area.

Napatigil ako sa pag-inom ng gatas. Heto na naman ang magaling kong puso, halos tumatakbo na sa sobrang bilis ng tibok.

Hindi ako nagkomento sa sinabi ni papa. Binalewala ko lang din ang kabang nararamdaman ko. I stood up. Kinuha ko ang plato at kubyertos na ginamit ko. My forehead creased and I know that.

Akala ko ba, galit siya sa akin? Bakit nandito siya?

"Ayos ka lang ba, Lian?" tanong ni Daddy nang napadaan ako sa kanya kaya napahinto rin ako.

Lumingon ako kay Daddy. My eyes met his angelic eyes. Masasabi kong ang mata ni papa ang asset niya talaga. Napaka anghel kasi. Iyong tipo na pagnapatingin ka sa kanya, hindi ka makakagawa ng kung anong kasalanan kasi magiguilty ka.

Hindi ko nga alam kung bakit kay Mommy pa siya na punta, eh alam naman naming na napakamaldita ni Mommy.

I fake a smile. "Yes. I'm fine daddy." Liar.

His eyes soften. "Are you sure?"

I nodded. "Opo."

He sighed. "Lian, you don't need to lie. Ako lang naman nandito, anak. You can tell daddy everything, princess." He said in a very gentle way.

May kung anong humaplos sa puso ko. The way daddy say those words, it reminds me of my childhood years. How I cried on his arms when I got wounded, and how he blow my wounds while telling me some sweet words.

He is my father. Above all, he knows me very well

Humigpit ang pagkakahawak ko sa plato. Suddenly, a tear fell from my eyes. Akala ko, hindi na ako iiyak. Gago, puro akala ko lang pala.

"No, daddy. I-I'm n-not—"

Agad akong niyakap ni Daddy. He caressed my hair. I feel like I'm a little girl once again.

No, yet I fall (Complete✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon