Kabanata 31

2K 111 30
                                    


NYIF 31 : Realationship

"Are you still not done yet?" Tanong ko kay Haleth habang pinagmamasdan siya sa screen na seryosong nagtitipa sa kanyang keyboard.

He's wearing his black rim eyeglasses.  Bahagyang nakakunot ang noo habang sumisingkit ng kaonti ang mata. Kitang-kita mo talaga ang pagkakaseryoso niya sa ginagawa.

Itinukod ko ang siko sa lamesa at ipinatong ang ulo sa kamay habang patagilid siyang pinagmamasdan. 

Damn,  he looks so hot.

My hotty Attorney.

"A little bit more,  love. " he replied while not looking away from the screen.

Napahikab ako at nilingon ang wall clock.  It's quarter to twelve.  Kakatapos ko lang i analyze ang transaction for this month.  Ipapasa ko ito bukas ng alas nuybe sa head accountant namin.

Ganito kami palagi,  sabay na ginagawa ang trabaho.

I love midnights with him.  Kasi pagkatapos namin gawin ang trabaho namin,  (mine from the company's transactions while him,  rereading his codals and writing his digest) lumalabas kami at kumakain.

"You sleepy? " he asked.

Mabilis akong umayos sa pagkakaupo at ngumiti sa kanya. 

"Nope.  Hihintayin kita."

Kumunot ang noo niya.  "You sure? "

I smile at him.  "Yes. " I said with full honestly.

Tumango na lamang siya kahit na halata sa mukha niya ang pag di sang ayon sa sinagot ko.  He sighed and fixed his eyeglasses.

"Fine. Let's grab a snack, after this. " he announced.  "Where do you want to go? "

I blink.

Lumawak ang ngiti ko nang may biglang sumagi na ideya sa aking utak.  "I'm coming there.  Mag-oorder nalang tayo ng pizza. " I replied.

He open his lips to say something but I immediately close my laptop. Mabilis akong tumayo at pumunta sa harapan ng salamin.

I'm wearing my cotton short and a loose black t-shirt.  My kind of clothes when I'm alone.

Itinali ko ang aking mahabang buhok at ginawa itong bun.  When I was satisfied by my looks,  I immediately grab my wallet and run towards my door and open it.

Nang pagbukas ko ang unang nakita ko ay ang isang pintuan.

Haleth's condo.

Magkabila lang kasi ang condo unit namin.  Ewan ko ba sa lalaking 'yun,  ayaw na humiwalay sa akin.  Paminsan nga niloloko na ako ni Carrie eh.  Ano daw ang pinakain ko kay Haleth,  bakit ganon kabaliw sa akin.

Kasalanan ko bang maging maganda?  Chos.

Walang ano-ano kong pinindot ang passcode upang bumukas ito.  Nang bumukas na ay dali-dali akong pumasok at patakbong pumunta sa living room kung saan nandoon si Haleth na nagtitipa.

Katulad ng inaasahan,  there are a lots of thick books surrounds him.

Tumigil siya sa pagtipa at nilingon ako. I smile widely and walk towards him.

"Ang kulit mo,  did you know that? " he asked and smirk.

Umupo ako sa tabi niya at palihim na sinulyapan ang laptop niya na puno nang mga salita tungkol sa batas.

"You love it when I get so clingy. " sagot ko habang nakatingin sa sa mga mata niya.

Ngumisi siya at umiling. Even his small gestures can makes my heart flatter.

No, yet I fall (Complete✔️)Место, где живут истории. Откройте их для себя