Kabanata 37

2.2K 105 87
                                    


NYIF 37: Future

"You really plan this,  huh? " mabilis akong napangiti nang maramdaman ang yakap niya mula sa likuran ko.

I am facing the sea view.  Nagpapahangin sa beranda ng bigla nalang niya ako niyakap.  Sa susunod pa na araw ang anniversary nila Mommy at Daddy, at dito sa resort kung saan kami nagste-stay ni Haleth igaganap ang okasyon.

Yes,  I really did plan this trip.  Gusto ko kasi maging memorable iyon.  Napansin ko kasi na for the past few weeks,  palagi na kaming busy dalawa.  Siya sa school,  ako sa trabaho. 

Ayokong mawalan kami ng oras sa isa't isa.  Kasi nakakatakot.  Natatakot ako, kasi alam ko na maraming puwedeng mangyari sa mga oras na hindi naman naibibigay sa isa't isa.

I sighed. Siguro,  'yan yata ang dahilan kung bakit ano-ano na ang naiisip ko.

"May problema ba? " he asked as he tighten the hug.

Napapikit ako.  I want to stay like this forever.  Alam kong siya na talaga.  Kasi ano pa ba ang hindi pa ba ang hihilingin ko?  He loves me so much.  I love him too.  Siya na 'yung tao pangkasalanan.

Iyong tao na huwag na huwag mong pakakawalan.

At wala akong balak na pakawalan pa.

Isinandal ko ang ulo sa balikat niya habang tinatanaw ang malawak na karagatan.

"Wala. "

"Liar. " he whispered.

Hindi ako magkomento.  Ewan ko ba,  parang may kung anong bagay na nakabara sa aming dalawa ngayon.  Hindi ko gusto ito.

"Ikaw? Anong problema? " tanong ko sa kanya.

Akala niya yata, hindi ko napapansin na madalas niya ako titigan ng matagal pagkatapos ay bubuntong hininga siya.  Parang may gusto siyang itanong sa akin.

He sighed.  "Wala. "

My chest twisted in pain. We were *never* like this.  Pag may problema,  palagi namin iyon pinag-uusapan.

Pero ngayon... walang gustong mag salita sa amin.

My heart beats faster.  Kinakabahan sa ano ang puwedeng mangyari sa aming dalawa.

I stared to the wild sea.  Hindi ito kalmado sa dalampasigan,  pero sa malayo ay napakalma.  Hindi mo aakalain na may ihahatid na malakas na alon.

"Haleth. " I called his name.

"hmm? "

"Ano kaya ang mangyayari sa future natin? Ganito pa rin ba? O...mag iiba na? " biglaan kong tanong sa kanya habang nakatingin sa karagatan.

Kahit kailan,  hindi ako nag-isip tungkol sa hinaharap.  Palagi kong naiisip ang nakaraan. Wala akong ibang nakikita kundi ang sarili ko noon,  ngunit hindi ko nakikita ang sarili sa future. 

"Ewan ko. " he replied after a long silence.

Mas lalong lumala ang kaba sa dibdib ko.

He's unsure too.

I bit my lowerlips.  I don't want to think negatively, but I think,  this is normal right?  To think negative when everything is calm? Iba't ibang sari nang eksena ang pumasok sa isipan ko.

What if,  I was never for him?

What if,  Haleth is for someone else? 

Damn it.  Ayokong isipin na ngayon kayakap ko pa siya pero bukas ay nasa kamay na nang ibang babae.  Ayaw ko non.  Hindi ko kaya.

No, yet I fall (Complete✔️)Where stories live. Discover now