Manifestations

131K 6.2K 2.7K
                                    

Thea's POV

"Aray ko! Gago ka Seht!" hinihimas-himas ko ang aking noo.

"What?" aniya na may pabirong ngiti sa labi.

Pinaayos ko kasi kay Bo ang labrys ko kaya di ko muna magagamit ang weapon sa training namin. Nasira kasi yung labrys dahil sa leviathan na anti-Hephaestus.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking dilaw ang buhok. Nakangisi pa siya sa harap ko na parang walang kasalanan.

Patagal nang patagal, nagiging Apollo na si Seht sa mga mata ko. Ewan ko kung ano dapat ang mararamdaman ko sa pinagbago niya.

"Ang daya daya mo!" nagsummon ako ng apoy at hinagis ito sa kinatatayuan niya. Madali naman siyang nakaiwas kaya binilisan ko pa.

Naiinis na kasi ako sa kanya. Kanina pa niya ako pinag t-tripan!

Pagkaraan ng dalawang segundo, nasa harap ko na siya. Saka niya pinitik ang aking noo kaya napaatras na naman ako.

Putangina pangalawa na yon ah?!

"Gumwapo ka lang, ganyan ka na ah?" binigyan ko siya ng nanlilisik na tingin.

Tsk. Makaalis na nga.

"Ayoko na." saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad papalabas ng training room.

"Where are you going?" tumakbo siya para harangan ako.

"Ewan ko." tinulak ko siya ng mahina at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang OA mo..." inunahan niya ako sa pinto.

"Umalis ka nga diyan." galit kong tugon sa kanya.

Nakapamulsa siya habang nakatingin sa'kin. "Are you mad at me Thea?" tanong niya.

"Pag di ka umalis diyan, susunugin ko yung buhok mo hanggang bumalik ang dating kulay nito." pagbabanta ko sa kanya.

Umalis rin siya at hinayaan akong lumabas ng training room. Habang naglalakad sa corridors, ramdam na ramdam ko pa rin siya na nakasunod sa'kin.

Ewan ko ba. Parang wala ako sa mood ngayon.

"Damn. He got hotter." narinig kong sabi ng isa sa mga estudyante.

"Oo nga ano?" sabay gigil ng isa pa. "I'd tap that."

Mayamaya, natawa ako nang marinig silang nagsigawan. Bigla kasing nagliyab yung dulo ng skirts nila.

"That's enough Thea." tumabi sa'kin si Seht. Binalewala ko siya at nanatiling nakatingin sa harap.

"Ano bang problema mo?" tanong niya.

Hinawakan niya ang braso ko kaya't napahinto ako. "Talk to me." pakiusap niya.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Gusto mong sabihin ko?"

Nakita ko namang naghihintay siya sa sasabihin ko.

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa'yo Seht kasi feeling ko ang laki na ng pinagbago mo." sagot ko.

Umiling-iling siya habang nakakunot ang noo. Halatang wala pa rin siyang naiintindihan.

"Ako kasi... kilala ko ang sarili ko Seht.. at alam kong hinding-hindi na magbabago ang pagtingin ko sa'yo pero ikaw..." tinignan ko siya. "hindi ko alam kung naapektuhan ba yung pag-iisip mo sa transformation na yan-"

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now