Our Destiny

116K 6.3K 5.2K
                                    

Cesia's POV

Kanina lang, nakikinig ako hanggang sa matapos yung pag-ulan. Ewan ko kung anong nangyari pero nandito na ako ngayon naglalakad sa mga kalye ng Livadeia kasama ang anak ni Zeus.

"Sabihin mo na son of Zeus.. gusto mo lang akong makasama.." natawa ako sa kanya.

"Maybe.." maikli niyang sagot.

Pero sapat na yun para tumakbo lahat ng dugo ko sa pisngi. Idagdag mo pa na hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko.

Binati rin kami ng isa sa mga cafe owners na nagsasara ng cafe niya. Kinawayan niya kami at ganun din ang ginawa ko.

"Ang friendly nila dito..." puna ko.

"You like it here?" tanong niya.

Natawa ako ng mahina bago sumagot. "Yeah.. ang tahimik kasi.."

Gusto ko kasi yung mga lugar na tahimik. Kasi ramdam na ramdam ko talaga lahat. Mahilig pa naman akong mag emote..

Lalo na pag umuulan.

"Nga pala.. ba't umulan kanina?" napatingin ako sa kanya.

Nagbuntong-hininga lang siya at binigyan ako ng malungkot na ngiti. "Nothing."

Sa pagkakatanda ko kasi, umuulan paminsan-minsan sa tuwing nalulungkot siya. Ito rin yung dahilan kung bakit di ako nakatulog kanina...

Nakakatuwa nga kasi kapag umuulan o kumukulog, isang tao lang ang lumalabas sa isipan ko...

Nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba nang mapansing kanina pa namin sinusundan ang ilog. Hindi ko na nga alam kung saang dako na kami ng Livadeia.

Tumigil lamang kami sa harap ng cave. Nagulat ako nung binitawan niya ang kamay ko.

"T-teka.. Trev.. bakit tayo nandito?" tanong ko. Sobrang dilim na at may kutob akong hinahanap na kami ng ibang alphas.

Umakyat siya saka pumasok dahilan na mapaatras ako.

Ano namang gagawin namin diyan?!

"Here." inabot ni Trev ang kanyang kamay.

Napalunok ako. Malalakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Pero naalala ko ang sinabi niya kanina na magiging safe lang daw ako kaya.. okay naman siguro.

Malaki naman yung paniniwala ko sa kanya.

"Trev naman-" hinatak niya ako papasok ng cave.

Napanganga ako pagkatapos makita ang kabuuan ng loob. Yung inexpect ko kasi ay madilim dito pero hindi.. dahil maraming fireflies ang nakatumbad sa harap ko.

Ang ganda!

Yumuko siya at may kinuhang bagay na nakatago sa likod ng mga bato. Napagtanto kong isa itong vial na may lamang tubig sa loob.

"Teka.. Trev.." kumunot ang aking noo.

Tama ba tong nakikita ko?

"This is the water that we retrieved from our first mission. The water stolen by the thief." pinakita niya sa'kin ito.

"Akala ko binigay nyo'to sa council?" tanong ko sa kanya.

"I may have sent a fake one." nagkibit-balikat siya. "...because I knew there will come a time that we might need it."

Napangiti ako.

Hindi na ako magdududa nyan. Lalo na pag gawa ng lalaking 'to. Lagi naman talaga silang ganyan.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon