In The End

115K 6.6K 4.2K
                                    

Cesia's POV

Gulong-gulo na ako.

Ano ba ang kaibahan ng death sa mist of death?

Ano bang meron diyan?

Anong ibig sabihin niyan?

"Release me now Achlys!" nag-echo ang mga sigaw ni Nyx. Hindi ko siya nakikita dahil wala akong ibang nakikita kundi ang kulay itim.

Naalala ko ang training naming Alphas sa black hole na yon. Pakiramdam ko nasa vacuum din ako dahil nahihirapan na ako sa bawat paggalaw ko pati na rin sa paghinga.

Umupo ako at ginamit ang aking kamay para itukod sa sahig... o lupa.. o kung ano man ang tawag nitong inuupuan ko.

Yumuko ako para maghanap ng hangin.

"This is the fault of that mortal!" boses na naman ni Eris ang narinig ko. "Where is she?!"

"She should be dead by now, Eris. Do not concentrate on finding her and get us out of here!" utos ni Nyx sa kanya.

Hindi ako gumawa ng kahit kaunting tunog dahil unang-una, ayokong mahanap nila ako at pangalawa, wala na akong lakas para makagalaw dito sa pwesto ko.

Humihingal ako at naliligo na ako sa pawis. Humahapdi rin ang balat ko at may kutob akong sasabog ako dito dahil literal na kukulo ang dugo ko dulot ng init.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang boses ni Mnemosyne. Tanging boses niya lang ang dahilan kung bakit gising pa ako. Kung wala ito, edi sana kanina pa ako nagpadala sa bigat ng pakiramdam ko.

'Hold on, child. Do not succumb to the mist.'

Nanghihina na naman ba ako? Wala naman akong ginawa kundi gawin ang tama. Sinubukan kong tapusin ang misyon na'to.

Hindi ako mawawalan ng malay.

Dahil hindi pa ako tapos dito.

'That's right, Cesia. Find your strength... please.'

Ngunit kasalungat ang naramdaman ko pagkatapos niyang sabihin yon. Marahil, napansin ko kung paano nanghina ang kanyang boses sa panghuling salita.

Pati siya kinakabahan sa kinahinatnan ko.

'Wake up Cesia. Open your eyes.'

Kahit buksan ko pa ang mga mata ko, wala pa rin akong makikita kundi purong kadiliman kaya mas pipiliin kong ipikit-

"Agh!" Nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib. Napakapit ako dito habang nanlalaki ang mga mata.

Kakaibang sakit.

Sakit na tagos sa puso at kumakalat sa buong katawan ko.

"Oh great. The human is alive!" deklara ni Eris pagkatapos marinig ang iyak ko. "Now, where are you?"

Kinukurap-kurap ko ang aking mga mata habang pinapakinggan ang yabag ng mga paa na papalapit sa'kin.

"Found you." bulong niya malapit sa aking tenga na ikinagulat ko.

Katulad ng dati, hinawakan niya ang leeg ko at pinulot ako. Para akong bangkay sa kanyang kamay dahil ilang segundo lang ang kinailangan niya para i-angat ang buong katawan ko.

Akala ko itatapon na naman niya ako pero hindi nangyari yon dahil binitawan niya lang ako kaya't bumagsak ako.

"I'm gonna have to show mercy and not kill you." sambit niya. "You already weigh like a rotten corpse."

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now