Sweet as It Sounds

128K 7K 6.1K
                                    

Ria's POV

Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko sina Cesia, Kara, Art at Thea na nanonood ng TV.

Pinapasok ko ang mga aurai na may dalang king size mattress. Sinenyasan ko sila na ilagay ang mga ito sa veranda.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Thea.

"I heard the boys are out with a mission and that means the dorm is all ours!" I clasped my hands and laughed like a devil.

Tumayo si Art at pumalakpak like a cute seal. "Sleepover! Yieee!" saka siya tumakbo sa kanyang kwarto.

"Wait. Nasa'n sila Matilda?" kasunod kong tanong nang mapansin na wala yung dalawa.

"May pinag-aabalahan pa sila sa clinic. Pinag-aaralan ata yung ambrosia bracelets na ginawa ko." si Thea ang sumagot.

Nagpaalam na ang mga aurai pagkatapos gawin ang trabaho nila. I gave them a subtle smile saka tumango.

Lumabas si Art na bitbit ang kanyang tatlong plushies. "Teka. Di pa tayo nakapag dinner ah."

Lumapad ang ngiti sa aking mukha. "May ribs akong in-order."

Tumayo na sila pagkatapos i-off ang TV. Sabay na din kaming lumabas sa veranda para doon kumain.

After that, I found ourselves lying silently on the bed. Hindi naman uncomfortable yung katahimikan sa pagitan naming lima.

It's like we were enjoying every second we have together.

Pinlano ko talaga na mangyari 'to nang malaman kong wala yung boys. Gusto ko kasing magkaroon na naman kami ng Girls' Night. After our near-death experience defeating a goddess and a titaness, karapat-dapat lang naman na magkaroon kami ng napakaraming bonding moments. Duh.

We freaking deserve this.

"Ang sarap sa pakiramdam..." narinig kong bulong ni Cesia na nakahiga sa tabi ko.

"You know... pagkatapos ng nangyari, narealize ko ang kahalagahan ng mga ganito. Sleepovers and stuff." napangiti ako.

Hindi ko nai-imagine ang buhay ko kung hindi ko sila nakilala. Its like they're all a part of me now. Ayokong magkahiwa-hiwalay kami.

Kaya ngayon, gusto kong idama ang bawat segundo na magkasama kami.

When Art was gone... I used to cry myself to sleep. Ayokong maranasan ulit yon. In fact, I have made it my personal mission to protect them at all cost.

Gusto kong maging defensive barrier sa espesyal na koneksyon na meron kami. I want to kill every threat to our friendship.

Kahit iba-iba ang deities namin... we're still a family and I'll never take this family for granted.

"Alam nyo ba... pagdating ko sa Elysium.. nawala yung memories ko kaya di ko kayo nakilala." nagsalita si Art.

Nakatingin kaming lahat sa kalangitan habang pinapakinggan ang kwento niya.

From how she arrived until the time she got her memories back.

"Buti nalang talaga hinanap ako ni Cal ano?"

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. As far as I know, napakaover protective ni Cal sa kanyang asawa. Kaya nga siya ang main target ko sa tuwing nasa mood akong mang inis.

After a moment of silence, boses na naman ni Kara ang narinig ko.

"I think it's time you guys should know..."

Song of The RebellionWhere stories live. Discover now