Breathe

113K 6K 3.1K
                                    

Cesia's POV

Wala akong pakialam kung paano ko nasira ang barrier sa pagitan namin ni Trev.

Pagkatapos kong marinig ang pagkabasag nito, dumiretso lang ako sa kanya at tinanggal ang pira-piraso ng mga maiitim na salamin sa balat niya.

"Mortals like you should have died by now." boses ni Achlys ang narinig ko.

"I'm fine." ani Trev pagkatapos ko siyang alalayan para makatayo.

"Yung likod mo..." napasinghap ako nang makita ang maliliit na piraso ng salamin na nakabaon sa kanyang likod.

Mas malala pa sa inaasahan ko ang kalagayan niya.

"I said I'm fine." giit niya.

"How did you do it, Cesia?"

Nabaling ang aking atensyon kay Achlys na hindi maiguhit ang mukha. Unti-unting nangitim ang ibabang bahagi ng kanyang mga mata habang nakatitig sa'kin.

"How did you break my-"

Hindi pa nga kompleto ang pangungusap niya at may nabasag na naman.

Binasag ko ang trance niya.

Kaya natagpuan namin ang aming mga sarili na nakatayo sa gitna ng digmaan ng mga Trojans at Achaeans.

"How-"

"Mamaya ka nalang magtanong. Bumalik muna tayo sa palasyo. Wag dito. Nasa gitna tayo ng digmaan." sabi ko kay Trev saka inalalayan siyang maglakad pabalik ng Troy.

Dalawang sundalo ang nakakita sa'min at nagmamadaling lumapit para tulungan kami. Kinuha nila si Trev mula sa'kin.

Sumunod ako sa kanila pero napahinto ako dahil nakaramdam ako ng kakaiba.

Kumunot ang aking noo at napalingon sa likod. Agad kong napansin si Achlys na gumagapang at nahihirapang tumayo.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita sina Eris na nakatayo malapit sa kanya at hawak-hawak ang tali. Sa tabi niya ay si Nyx na sinusundan ng tingin ang kaawa-awang goddess na nasa paanan nila.

Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.

"Sana lang hindi ko pagsisisihan ang gagawin ko." bulong ko bago imulat ang aking mga mata at tumakbo sa direksyon nila. Ginamit ko ang bracelet ko para hatakin mula sa kamay ni Eris ang tali at ipalipot ito sa leeg nilang dalawa ni Nyx.

"Tumayo ka na bilis!" sigaw ko kay Achlys habang nakatapat ang isang kamay sa mga goddesses na nagpupumilit tanggalin ang tali mula sa mga leeg nila.

Hinigpitan ko ang tali at sabay kaming tumakbo ni Achlys papasok ng Troy. Nakarating nga kami sa loob at sinalubong kami ni Cassandra.

"Trev is-" tumigil ang kanyang tingin sa aking katabi. "Who is this?"

Bago pa ako makasagot, biglang lumitaw si Eris sa likod ni Cassandra. Saka ako napaatras dahil lumabas mula sa dibdib ni Cassanda ang matatalim na kuko ni Eris kasunod ang buong kamay niya.

"C-cassandra?"

Walang buhay ang nakabukas na mga mata ni Cassandra nang bumagsak ang katawan niya sa lupa.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, napaluhod ako saka napayuko. Nanginginig ang aking kamay nang subukan kong idampi ang aking palad sa ibabaw ng butas sa kanyang dibdib.

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko dahil wala akong nagawa para protektahan siya. Tapos, tuluyan na nga akong sumisid sa sarili kong mga luha dahil sa matinding kalungkutan.

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon