Arcadians

121K 6.3K 2.4K
                                    

Art's POV

'A revolution to prove the strength of humanity and that strength will be the end to the chthonic age.'

Paulit-ulit kong nire-recite ang linya mula sa prophecy ni Mnemosyne. Ang mahalaga, alam na namin ang gagawin namin.

I-assemble lahat ng alliieeess!!

Okay na siguro yung mga huntres and amazons kasi present naman talaga sila sa digmaan simula pa nung una. Dito muna ako sa Arcadia para makapag-isip kung paano sila kumbinsihin na lumaban.

"They're already inside." tinawag ako ni Cal.

Tumango ako at sabay kaming pumasok sa conference hall kung saan naroon lahat ng godfathers ng Arcadia. Kung may council kami, ang mga Arcadians naman ay may godfathers. Sila ang nagpatakbo ng Arcadia kasama si Ariethrusa. Kaso wala na si Ariethrusa kaya sila nalang ang naiwan dito.

Umupo ako katabi si Cal.

Waaaahhh!! Grabe yung mga titig nila sa'min. Kaso hindi ko pwedeng takpan yung mukha ko. Baka sabihin na weak ako. Huhuhu.

Pero weak naman talaga ako ihh. Aaminin ko na. Ang dali kong atakihin sa puso!

Kaya nga nawalan ako ng malay nung nagmaneho si Ria ihh kasi ang bilis niyang makadrive, para kaming nakasakay sa roller coaster! Aaahhh!!

Teka lang! Bakit pagmamaneho ni Ria yung iniisip ko ngayon?!

Dapat nakafocus ako sa sasabihin ko sa kanila!! Naku naku. Patay na talaga ako dito. Wala pa naman akong inihandang speech!

Okie okie.

Ginhawa ka muna Art. Kalma ka lang. Ikaw ang favorite student ni Miss Minchin. Hindi si Sara.

EH YUNG FAVORITE KAYA NILA BUBBLES?!

WWWAAAAAHHHHH!!!

"We have been aware of the topic that is to be presented and now I declare this meeting open." pagdeklara ng isa sa kanila.

Tumayo ako at tinanguan yung mga godfathers na tumango rin sa'kin pabalik. SERIOUS MODE NA TALAGA AKO.

Si Apollo ang papa mo kaya dapat level 999 yung speech skill mo! Go go go Art!

"Sa tingin ko ay alam niyo na kung ano ang nangyayari amidst the realms. Lalo na sa mortal realms." Ang kalma kong pakinggan pero pinipigilan ko lang yung sarili ko na tumili. Hooooo!

"A few demigods, including me, have already fought wars and won all of them." isa-isa ko silang tinignan.

Hihihi. Sinusunod ko lang talaga si Kara sa tuwing nagsasalita siya sa harap ng maraming tao.

"But a war is coming... and we will not be able to win it..." huminto ako para diinan ang susunod kong sasabihin.

"without your aid."

Sari-sari't reaksyon ang naani ko mula sa kanila. Teka laaangg!!! May nasabi ba akong mali?! Pwede ba i-replay yun?!

Take twoo!!

"You think we are going to risk the lives of our people to help you with your battle?" tanong ng matandang Arcadian na nakaupo sa dulo.

Umm??

"Teka. Hindi lang naman 'to battle namin ah. Sa buong realms ito at kasali na kayo-"

Hindi ko natapos ang aking pangungusap dahil may nagsalita agad. "It is yours to fight and it is yours to win."

Song of The RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon