Chapter 4 : Glittered Gel Pens

3K 108 13
                                    

PREIA

KUNG NAGULAT MAN si Lance sa sinabi ko, hindi ko iyon nahalata sa kanya. He was just casually listening to me.

I wrinkled my nose. "Hindi ko kasi type 'yung mga tulad mong two goody shoes—"

Lance smirked. "Goody two shoes," pagtatama niya.

Natawa ako nang malakas. "Ayyy! Mali! Pisti, oy! Minsan na nga lang ako bumanat ng idioms, mali pa."

Lance was smiling. Matipid nga lang.

But still, naka-smile.

And again, there was something warm I felt in my chest because I knew I made him smile.

"Goody two shoes," sabi ko, giving emphasis to the words. "Gan'un ka. Perfect role model of the youth. Pero ayoko kasi sa sobrang mabait, eh. Nakakailang. Parang de numero lagi ang kilos ko. Gusto ko 'yung medyo buma-bad ass ng konti..." I said with conviction while biting my lower lip for the emphasis. "Mas... exciting."

Biglang pumasok sa isipan ko si John.

Si John ang The One ko na nang-iwan.

Exciting bang matatawag ang nang-iiwan, Preia? sarkastikong tanong ko sa sarili ko para magising na ako sa katotohanan.

Katotohanang iniwan at pinaglaruan ako ng inakala kong The One ko.

But that did not hinder me to stop believing in love and fairytales.

Mahahanap ko rin ang Prince Charming ko.

On instinct ay napasulyap ako kay Lance.

Lance Augustus Villarosa was a perfect prince charming.

But he was too perfect for me.

Hindi gugustuhin ng isang perpektong tulad ni Lance Villarosa ang mga tipo ko.

Iyong may bahid ng dungis, sikreto at kapalpakan sa buhay.

No.

Alam ko iyon at tanggap ko na iyon.

Ang mga bagay lang sa akin ay iyong mga tipong bad ass at pasaway ding tulad ko.

I would settle for those kinds of boys.

Not the likes of a perfect prince charming like Lance Villarosa.

"At alam kong hindi mo ako type, August..." sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Lance.

Pisti. Bakit may kurot sa puso ang statement kong iyon?

Dapat tanggap ko na walang tulad ni Lance ang magkakagusto sa akin.

I lifted my chin defiantly. "Alam ko 'yun. Alam nating pareho 'yun kasi ang mga bagay naman talaga sa 'yo ay 'yung mga tipo mo rin. 'Yung matalino at..."

Huminto ako at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa pabalik sa mga mata niyang singkit. I wrinkled my nose. "... Achiever. 'Yung tipong makakakwentuhan mo tungkol sa current events at politics at 'yung babaeng marami ring mga awards at honors na nakukuha," mahaba-haba kong sabi.

Lance was just listening. Ni hindi man lang nagkomento. Siguro sumasang-ayon siya. Silence meant yes.

"Kasi ako," pagpapatuloy ko sa kaswal na tinig habang nakaturo sa sarili. "I'm just an average girl. Wala akong maraming awards at honors na nakuha habang nag-aaral. Ang bukod-tanging awards lang na nakuha ko ay ang Best in Attendance award n'ung grade school ako at Miss United Nations noong third year high school ako."

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon