Chapter 13 : The Binondo Tour

3K 93 32
                                    

PREIA

"BAKIT SA BINONDO mo ako naisipang i-tour kung hindi mo naman pala gaanong kabisado ang lugar?" curious kong tanong kay Lance.

Lance was using Ways, isang app sa cellphone na nagtuturo ng mga daan. Hindi rin daw kasi kabisado ni Lance ang daan pasikut-sikot sa buong Binondo.

Pasado alas dos na. Alas dose y media kami umalis ni Lance sa campus.

Lance threw a sideways glance at me before he shifted back his eyes to the road. He shrugged his shoulders. "Iyon kasi ang unang pumasok sa isipan ko. Maybe because I am half-chinese. And Chinese culture and history are very rich. Marami tayong pwedeng matutunan. Plus, marami ring masasarap na pagkaing gusto kong matikman at ma-experience mo."

"Bakit inimbita mo akong mag-tour?" Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Lance habang naghihintay ng sagot niya.

"You wanted it, 'di ba?"

Nadismaya ako sa sagot niya. Umayos ako ng upo at diniretso ang tingin sa daan. Noong yayain niya ako, medyo kinilig ako. Kasi hindi sa akin galing ang ideya kundi sa kanya. Out of the blue iyon, sa gitna ng pagkukulitan namin ay bigla siyang nagyaya. Feeling ko niyaya niya ako sa isang date.

Hindi pala ganoon iyon.

Dahil lang pala gusto ko at hindi dahil gusto niya.

"Ah, dahil lang pala gusto ko. Akala ko naman dahil gusto mo rin," matabang kong sabi.

"That's precisely the point, Preia. Hindi ako sasama sa 'yo kung hindi ko gusto."

"Gusto mo rin ng Binondo Tour?"

He glanced at me and met my eyes. "Gusto kitang kasama..." sabi niya at ibinaling muli ang tingin sa daan.

It made my heart skipped a beat. Pastilan gyud. Gusto niya akong kasama?

Dahil ba masaya siya kapag kasama ako? Dahil ba may gusto siya sa akin?

Giatay, Preia. Ang advanced mong mag-isip. Huwag gan'un. Huwag kang mag-assume at baka masaktan ka lang.

He cocked an eyebrow at me. "O, bakit parang nalulon mo ang dila mo?" tukso niya.

"Malayo pa ba tayo?" pag-iiba ko sa usapan naming habang kunwari ay nakatingin ako sa mga dinaraanan namin. Nakita kong nadaanan namin ang isang Lucky Chinatown Mall. "Ano ba ang first destination natin sa Binondo?"

"Binondo Church."


I-P-IN-ARK NI LANCE ang sasakyan niya sa gilid ng Binondo Church. Lumapit sa amin ang isang parking attendant ng Manila Traffic Office at binigyan ng ticket si Lance.

"Ate, hindi ba maaano ang sasakyan niya?" tanong ko sa parking attendant. Concerned kasi ako sa sasakyan ni Lance dahil sa gilid lang naka-park.  Although may nakikita naman akong ibang mga sasakyan na naka-park, mainam na rin ang makasigurado. Maingat pa naman sa sasakyan niya si Lance.

"Hindi naman, Madam," sagot ng parking attendant. "Basta nasa tamang parking-an lang. Sa'n ba ang punta ninyo?"

"Sa Binondo Church," sagot ko. "Pero sandali lang kami kasi maglilibot pa kami sa buong Binondo."

"Dala ang sasakyan?" tanong ng attendant.

Tumango ako.

"Naku, Madam, mas mainam pang maglakad kung maglilibot lang kayo sa Binondo. Aabutin kayo ng siyam-siyam dito dahil sa traffic. Tutal, eh, dikit-dikit naman ang pwedeng puntahan dito sa Binondo."

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon