Chapter 18 : Ginalingan Ni Preia

3K 121 43
                                    

Note : Ang mga characters na sina Esme, Prince Leo at Orion sa story na She's The Legend na paboritong basahin ni Preia sa Underworld group nila at inspirasyon sa kino-cosplay ni Preia na si Esme ay hindi orihinal na sa akin. I just borrowed it from a writer-friend dito sa wattpad na si MissBulilit. Siya po ang writer ng fantasy-romance na She's The Legend. So, if you are also into fantasy-romance, try n'yong basahin ang story n'ya at baka tulad ko ay magustuhan n'yo rin. Thank you! ❤ -- Dyosa

*******************************
PREIA

AKO NGA TALAGA! Giatay oy!

Luminga ako sa paligid. HInahanap ng mga mata ko sina Miranda at Ashley. Pero wala pa rin sila sa area.

"Pinilit ka ba nina Miranda at Ashley na magpunta rito?" alanganin kong tanong.

Marahan siyang umiling. "Walang pwedeng pumilit sa akin sa kung ano ang gusto at ayaw kong gawin."

Hindi ko alam kung bakit ako nakahinga nang maluwag sa sinabi niya. It brought a smile to my lips--and heart too.

"So, gusto mo talagang magpunta kaya ka narito sa harap ko? In flesh and blood?" paninigurado ko.

Sinalubong niya ang tingin ko. "Gusto. My choice. So here I am--in flesh and AB positive blood type... Including heart."

Napaawang ang labi ko. My heart fluttered like a butterfly.

Including heart daw. Unsa man oy!

"Pati brain, intestine, gall bladder. Every bit of my being, Princess Leia. I am here." Sinundan niya ng ngiti ang sinabi.

It was boyish and charming. Cute kaayo.

Isang katahimikan ang namagitan sa amin. Kahit na ang gulo-gulo sa paligid namin, we just stood at our places, staring at each other. I just liked watching him. Nakakagaan sa kalooban.

Lance took one step closer to me then gently poked me on my forehead. "Na-miss kita, alam mo ba 'yon?" aniya sa isang tinig na may kahalong lambing.

Hindi ko lang imahinasyon ang lambing na iyon sa tinig ni Lance. Narinig ko talaga.

Kaya naman napangiti ako nang maluwang. Masuyo ko rin siyang dinutdot sa dibdib. He was really real. Hindi imahinasyon ko lang. "Na-miss din kita..."

He cocked an eyebrow. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Talaga?"

Marahan akong ngumiti at tumango.

"I'm glad to know that." Then he flashed me his cute and boyish smile again.

Napahigit ako ng hininga. Hinihika na ako. Hinanap ng mga mata ko si Yaya Brenda pero wala pa rin siya. Humigit muli ako nang malalim na paghinga. Medyo hinahabol ko na ang paghinga ko.

Pastilan! Wa poise naman na hinihika na ako. Naka-costume ako at sa harap pa ni Lance.

"Hindi ka na galit sa akin?" malambing kong tanong.

"Hindi naman ako galit sa 'yo."

Pinalo ko siya sa dibdib. Napaigtad siya at automatic na hinimas ang dibdib. "Hoy, August, 'wag kang sinungaling. Alam kong nagalit ka sa 'kin nung..." I cleared my throat. Nahihiya akong sabihin ang salitang gusto kong sabihin. "Nung... date natin."

Nasabi ko rin sa wakas. I inhaled a sharp breath after.

"Nung friendly date natin." Idiniin ko ang salitang 'friendly'.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon