Chapter 14 : The Substitute Date

2.7K 115 9
                                    

PREIA

"AUGUST!" TILI KO nang makita kong lumampas ang nail polish sa daliri ko. Agad kong pinahid ang lumampas na nail polish. Baka kasi matuyo. Wala pa naman akong dalang acetone. "Ayan, lumampas na. Hindi ka kasi dahan-dahan, eh," paninisi ko.

I stared at him and met his eyes. Salubong ang kilay niya nang magtama ang tingin namin.

"May date ka?" tanong niya na hindi pinansin ang pagrereklamo ko tungkol sa lumampas na nail polish. Obvious na wala roon ang isipan niya.

Nang marinig ko naman ang salitang date ay doon din nabaling ang atensyon ko. Inalis ko ang face mask at isang kinikilig na ngiti ang sumilay sa labi ko.

"Yes..." sagot ko na nakatingin sa kawalan na parang nangangarap ng isang magandang pangyayari.

"Kanino?" His tone was edgy. Parang iritable. Tumayo siya at nameywang habang salubong ang mga kilay.

Pero hindi ko iyon pinansin. "Kay Kevin," sagot ko. Binabanggit ko pa lang ang pangalan ni Kevin ay napapangiti talaga ako.

"Kevin?" kunot-noong ulit niya. "Sinong Kevin?"

"Ano ka ba, Lance! Sikat si Kevin sa HFU. Bakit hindi mo kilala?"

"Kevin? Wala akong kilalang--Oh, shit. Is it Kevin Perez? The Roaring Lion? He's the only Kevin I know who's famous in HFU."

I pursed my lips. Na-e-excite talaga ako kapag mine-mention ang name ni Kevin Perez.

"Yes!" excited kong sagot. Halos pakanta pa ang pagsagot ko ng 'yes' dahil sa excitement.

Tumayo ako. "Kevin Gian Guererro Perez--KG to his friends and teammates--is the cutie pie six foot one, Roaring Lion power forward, third year Export Management minor in Marketing student." Winawagayway ko pa ang mga kamay ko ere habang nagsasalita ako na para bang nasa tulaan contest ako.

Pagkatapos ay lumuwang ang ngiti ko nang ma-picture sa isipan ko ang cute na mukha ni Kevin.

I was lucky that among the girls in the campus, I caught his attention.

"Mukhang na-Google mo na s'ya, ah. You even know his middle name." He sounded sarcastic.

Pero hindi ko pinansin iyon. I even giggled. Inipit ko ang buhok ko sa tenga. "Hindi naman masyado. Hindi sa Google kundi sa Shining Holyian issue where he was featured. Nag-library ako kanina."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Lance. "Hindi ka nagla-library pero dahil sa kanya ay nag-effort ka pang pumunta sa library."

Bumungisngis ako. It was true. Mabibilang sa daliri ang pagkakataong nasa library ako.

"Pa'no mo siya nakilala?" Balik na naman siya sa pagsisimangot. Lumapit siya sa study table niya at inayos ang mga librong nakapatong. Medyo padabog pa niyang inayos gayong maayos naman na.

"Through Ashley," excited kong sagot. "'Di ba teammate s'ya dati nina Cobi and Bobby? Kevin asked Ash kung pwede raw ba niya akong ipakilala sa kanya. Naku-cute-an daw sa akin si Kevin. So, Ash set me up a date with--"

Hindi ko nagawang maituloy ang sasabihin ko dahil malakas na ibinagsak ni Lance ang mga libro sa study table. Parang nagdadabog siya.

He just shrugged his shoulders. He did not offer an explanation when I looked at him.

"So, ayun nga," I continued. Hindi ko na lang papansinin ang topak ni Lance. "Nang malaman ni Ash na interesado sa 'kin si Kevin, she set us up a date which is tomorrow after my last class at five-thirty. Kaya hindi ako makakasabay sa 'yo pauwi."

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon