Chapter 25 : The Glittered Gel Pens Inside The Glass Box

3.4K 116 36
                                    

PREIA

"WHY DID YOU close the door?" I asked Lance at nilingon ang pinto ng kuwarto niya.

Tita Malen invited me for dinner at their house. Nami-miss na raw kasi ako ng mommy ni Lance.

Labis kong ikinatuwa iyon nang sabihin ni Lance sa akin kahapon. Mukhang boto sa akin ang parents niya maski na ganito lang ako.

Hindi ka na 'ganito lang', Preia, paalala ko sa sarili ko. Girlfriend ka na ng isang Lance Villarosa.

Alam na ng parents, maging ng mga Nana at Tata niya na kami na. Alam na rin nina Papa, Mama at Kuya sa Cebu na boyfriend ko na si Lance.

Wala silang tutol. Naisip ko naman, sino ba ang tututol sa isang boyfriend na tulad ni Lance?

At habang naghahanda pa si Tita Malen ng dinner at hinihintay naming dumating ang daddy ni Lance ay dinala muna ako ni Lance sa kuwarto niya.

"Why not?" Lance asked back. Maingat niyang inilapag ang backpack sa white couch malapit sa bukas na terrace sa kuwarto niya. Pagkatapos ay lumipat sa study table niya at inayos ang mga librong maayos naman ang pagkakapatong.

I shrugged my shoulders. Hindi pa rin ako lumalayo sa pinto. "Wala naman... Ano lang..."

Nlingon ako ni Lance at binigyan ako ng isang nagtatanong na tingin. "Ano?"

Napakamot ako sa leeg. "Baka lang ano..."

Lance walked towards me. Slowly, while holding my gaze. And I did find it so sexy. Like a handsome model in a fashion show.

"Ano, my Princess Leia?" malambing niyang tanong. His smile was teasing.

He already had an idea what was on my mind.

Pastilan, oy!

I cleared my throat. "Baka ano... Baka isipin ni Tita Malen na may ginagawa tayong hindi maganda sa kuwarto mo?" Patanong pa ang pagkakasabi ko maski na hindi naman dapat. I just felt awkward.

Natawa nang mahina si Lance. His eyes twinkled when he held my gaze. "Eh, 'di totohanin na natin para totoo na ang iniisip niya tungkol sa pwede nating gawin dito," pilyo niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko habang nakaramdam ako ng pag-iinit sa magkabilang-pisngi ko. "Lance! Kiatan, oy!" Pinalo ko siya sa dibdib.

Sabi ko ay napaka-flirt niya.

He threw his head and laughed out loud. Nakakaintindi na rin si Lance ng konting visayan dialect.

Nang matapos siyang tumawa ay mataman niya akong pinagmasdan nang may uber cute na ngiti sa labi.

He fondly touched the corner of my lips. "Don't worry, good boy ako..."

I smiled. "I know. No doubt about that."

Napangiti siya sa sinabi ko. "Don't hold your hopes high for me. I can be a badass sometimes," he joked. Iniyakap niya ang mga braso sa beywang ko.

I doubted that. Malinis ang record ng isang Lance Augustus Villarosa.

Iniyakap ko rin ang mga braso ko sa beywang niya, sumiksik ako sa dibdib niya at maya-maya ay tiningala siya.

He kissed me on the forehead. It made me smile.

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. "Wait, magpapalit lang ako ng t-shirt..."

Hindi ko siya pinakawalan at hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya. "Ayoko nga... Gusto ko pang i-hug ka," maarte kong sabi.

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now