Chapter 26 : Preia Meets Her Biological Mom

2.1K 76 35
                                    

PREIA

LANCE WAS EXCEPTIONALLY quiet during our dinner.

Makailang beses na tinawag ng mommy niya ang atensyon kapag may tinatanong at saka siya madi-distract sa malalim na pag-iisip.

Halos papilit ang mga pagngiti at pagtawa niya. Maging ako tuloy ay distracted kahit na masarap ang mga ihinahandang dinner ni Tita Malen.

At ang iniisip ko lang na dahilan ay ang text message na na-receive niya. Iyon lang naman ang nagpabago ng mood niya.  Bago iyon ay nakikipag-flirt pa siya sa akin.

Bigla akong kinabahan. Pastilan oy! Baka lumabas na naman ang video scandal ko at may nag-send sa kanya kaya siya na-upset. O hindi kaya, nakarating sa kanya ang mga kagagahang pinaggagagawa ko sa Cebu at nadismaya na siya sa akin.

Baka nakarating kay Lance iyon.  At ngayon ay nagbabalaka nang makikipag-break sa akin.

I shuddered at the thought.

Lord, 'wag naman po sana.


I HEARD LANCE let out a long and heavy sigh matapos niyang patayin ang makina ng sasakyan. He had been so quiet during the trip back to my condo.

Malalim talaga ang iniisip. May insidente pang naka-green na ang ilaw ng traffic light pero nakahinto pa rin siya. Nang businahan siya ng kotse sa likuran namin ay saka lang siya kumilos para patakbuhin ang sasakyan. I even volunteered to drive but he said he was okay. I let him be.

Napabuntong-hininga rin ako. Nahahawa na ako sa kanya.

Humarap siya sa akin. "Is there something wrong? Nahihirapan ka bang huminga?" concern niyang tanong.

Akmang kukunin niya ang bag ko na nasa likuran ng sasakyan para siguro kunin ang inhaler ko pero agad ko siyang pinigilan. "I'm perfectly okay," sabi ko habang hawak siya sa braso.

Ikaw yata ang hindi, gusto ko sanang sabihin.

He gently cupped my face and gave me a quick kiss on the forehead. "Good to know..." Then he smiled.

But the worry in his eyes was still there. Despite the smile on his lips, there was this concerned look coming from him towards me.

I met his eyes. Then I cleared my throat. "May iko-confess ako..."

Bahagyang kumunot ang noo niya. "What is it?"

Tumikhim ako at nag-ubo-ubohan. It was my tactic to buy more time. Naduduwag ako. Paano kung bigla siyang ma-turn off?

Naglabas ako ulit ng isang malalim na buntong-hininga. Bahala na.

"N'ung mga panahong nagrerebelde ako," panimula ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Mataman naman siyang nakikinig sa akin. "Nakagawa ako ng kalokohan-"

Tumango-tango siya, as if encouraging me to talk more of it. He was listening attentively.

"Gusto ko kasing mapabilang sa grupo ng mga sikat sa school namin. Pero para mapabilang ka, dapat sikat ka. Eh, hindi naman ako sikat so binigyan nila ako ng isang dare--sort of initiation rite daw para tanggapin nila ako sa barkada nila."

"What kind of dare?" interesado niyang tanong.

"Dinala nila ako sa isang convenience store sinabing mang-shoplift nang hindi nahuhuli."

"And you did..." It was more of a statement than a question. He sounded disappointed.

Marahan akong tumango habang awkward na nakangiti. Napakamot pa ako sa ulo. "I did. Nakakuha ako ng isang bar ng bubble gum tapos inipit ko sa kilikili ko."

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon