Chapter 21 : Day One To Forevermore

2.8K 145 69
                                    

PREIA

PASTILAN! UNSA MAN?! Totoo ba ang narinig ko? Seryoso ba siya?

Lumunok ako. Feeling ko tuloy ay nalunok ko na rin ang dila ko dahil hindi ko mahanap ang gusto kong sabihin. Lalo pa panay ang tambol ng dibdib ko na para bang may banda ng musiko sa buong katawan ko.

Majorette na lang yata ang kulang.

I cleared my throat. A little exaggeratedly. "I-I-try na maging boyfriend ka?" nauutal kong ulit.
Gusto kong makasigurado kung totoo nga ba ang narinig ko.

Sana totoo.

Itinuro ni Lance ang sarili. "Yes... Ako..." seryosong sabi niya. He was not smiling. And he looked so stiff.

Tinuod lagi! Totoo nga! At seryoso siya.

Giatay! Gusto kong maihi sa kilig. Gusto kong tumalon sa tuwa. Gusto kong tumawa nang malakas at nakakaagaw-pansin!

Tinalikuran ko si Lance para itago ang pagmumukha kong obvious na kinikilig.

Lance Villarosa ito. Ang ganda ko the highest level. Daig ko pa ang nanalo ng Best Cosplayer Award sa pang-universe na labanan.

Makailang beses akong huminga nang malalim at napahilamos sa mukha. Paulit-ulit na nagri-replay sa utak ko ang sinabi ni Lance.

Gusto mo ba akong i-try na maging boyfriend?

Ginoo, oy! Sino ba tatanggi sa isang Lance Villarosa?

"Please 'wag mo naman akong talikuran." May pagmamakaawa sa boses niya.

Agad akong humarap. I locked eyes with him.

To those cutie patootie chinky eyes.

"Hindi kita tinatalikuran." Napakamot ako sa likod ng tenga ko. "Ano lang... Wait, gusto mo ba talaga?"

"I wouldn't ask you if I don't..." he answered in a soft voice.

"Gusto mo akong maging girlfriend?" hindi makapaniwalang tanong ko. Naninigurado talaga ang boses ko. "Sigurado ka?"

"I really, really do, Princess Leia," he said with so much fondness. "Sigurado ako. I swear. Please give me a chance..." he begged.

I pursed my lips and gestured a peace sign with my fingers. "Wait lang... Wait lang..." Pagkatapos ay tinalikuran ko siya. Saka ko lamang pinakawalan ang kilig ang ngiting naghuhumiyaw sa buo kong pagkatao.

Ang luwang-luwang ng ngiti ko na napakunot tuloy ang isang matandang babae sa lobby habang nakatingin sa akin.

Nang mapakalma ko ang sarili ko sa overflowing kilig na nararamdaman ko ay humarap ako ulit sa kanya. Nakatingin sa amin ni Kuya Guard na parang nanonood ng isang shooting ng isang romantic movie.

"Ayaw mo ba?" Lance asked.

Gusto kong mapangiti. For a very rare moment, the high and mighty Lance Augustus Villarosa was so unsure of himself.

At kagagawan ko. Ganda ko?

"Liligawan kita, Princess Leia..." he said when I did not speak a word. "Hanggang magustuhan mo rin ako... I cannot promise that I'll be a perfect boyfriend because I believe that there's no such thing as that. I, myself, am imperfect and flawed as a human. But I promise..." Itinaas niya ang kanang kamay. "I promise that I'll do my best to be the best boyfriend you'll ever have," he declared so fondly.

Gosh. Parang nangangampanya lang si Lance. Sinusuyo ako bilang botante.

Pero ako na isang Princess Leia Samonte lang, choosy pa ba sa isang Lance Augustus Villarosa?

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now