Chapter 8 : The Truth Behind The Scandal Video

2.9K 90 18
                                    

PREIA

HINDI KO RIN alam ang sagot. Basta na lang dumulas sa matabil kong dila.

Ewan ko ba? Masaya ako na magkasama kami ngayon. At nalulungkot ako na aalis na ako bukas.

Hindi ko na siya makakatok sa kuwarto niya. Hindi na kami sabay na uuwi.

Mami-miss ko ang sobrang kalinisan at kaayusan niya sa kuwarto.

"Ano?" untag ko. "Mami-miss mo ba ako kapag wala na ako rito?" pangungulit ko.

He looked at me sideways. "I already answered that question--"

"Ano ka?! Ngayon ko pa lang tinanong sa 'yo 'to, ah."

"Pero nauna ko nang sinabi bago mo pa tinanong, 'di ba?" esplika niya.

A certain scene flashed through my mind.

Humarap si Lance. I saw him let out a long sigh. Then he walked towards me.

Masuyo niyang inilagay ang palad niya sa tuktok ng ulo ko. "Mami-miss kita..."

Then he flashed me his cuteness overload smile.

Iyon ang tinutukoy niyang eksena kung saan sinabi niyang mami-miss niya ako.

Medyo kinilig nga ako noon.

Inirapan ko siya. "Ano ba 'yan? Lahat na lang ng tanong ko, hindi mo masagot--"

"Mami-miss kita, Preia..."

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong baso ng kape.

Bigla ang naging paglingon ko sa kanya nang sabihin niya iyon. He was meeting my gaze.

Parang nalulon ko naman ang dila ko. Bakit wala akong masabi ngayon?

"Mami-miss kita, PrIncess Leia..." ulit niya.

And for the second time, I heard fondness.

Ginoo.

Sa dalawang beses niyang sinabi na mami-miss niya ako, dalawang beses kong nahimigan ang fondness sa pagkakasabi niya.

True na ito at hindi na ako dinadaya ng pandinig ko.

"There... I already answered your question. Happy now?" Then he smiled.

Marahan lang akong tumango. At pagkatapos ay tumikhim ako nang pagkalakas-lakas. "Tinuod gyud?"

Kumunot ang noo niya. "English, please..."

"I mean... totoo ba 'yan? Na mami-miss mo ako?"

He sighed then nodded his head. "Mami-miss ko ang kakulitan mo, mami-miss ko ang kadaldalan mo. Ang pag-iingay at pagkakalat mo sa kuwarto ko. Mami-miss ko ang pagtawa mo nang malakas na parang wala ng bukas..."

Nanlumo ako. "Iyon ang mami-miss mo sa akin? Bakit puro negative naman," naka-pout ang lips na sabi ko.

"Negative ba 'yun?" balik-tanong niya habang nakakunot ang noo. "When the things I mentioned make me..." He stopped in mid-sentence.

"Make you?"

"Make me laugh..." He shrugged his shoulders. "Make me smile."

Pastilan oy!

Totoo ba itong naririnig ko?

I pursed my lips. Shit. Bakit gusto kong mag-smile nang pagkaluwang-luwang?

"True?" paninigurado ko.

Lance's eyes met mine. "True."

"Thank you naman at mami-miss mo ako. Mami-miss din kita. Mami-miss ko ang napakalinis mong kuwarto. Ang mga precious ballpens mo. Mami-miss ko ang pagsusungit mo--"

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now