Epilogue

2.8K 137 98
                                    

LANCE

THREE MONTHS LATER, CEBU CITY

NASA ISANG MALL kami sa Cebu para sa isang malaking cosplay competition.

Two months ago, Tatay Gilbert and Nanay Christina wed in a simple church wedding here in Cebu.

Malalapit na pamilya at kaibigan lamang ang inimbita including, of course, the whole gang of friends who all went to Cebu and attended the wedding.

And during that time, nakarating sa kaalaman ni Preia ang malaking cosplaying contest na sponsor ng isang malaking Japanese publisher ng manga. Alam kong gusto niyang sumali pero nagdalawang-isip siya dahil nauna na naman ang insecurities niya.

Pero dahil sa pamimilit ng buong gang, lalo na ni Dezi, na first time daw makakapanood ng cosplaying contest ay nakumbinsi din si Preia. Bagong 'salta' lang si Dezi sa circle of friends namin.

The girls of the gang were now all busy helping Preia with her costume. She was cosplaying Yuuki Asuna of Sword Art Online anime series.

Napangiti ako. I never imagined myself to be knowing some anime characters. Pero ngayon ay kilala ko na sila dahil kay Preia.

My Princess Leia Samonte.

She was so pretty wearing a Yuuki Asuna costume--with her long orange wig, white and red costume, including a sword.

Cute na maangas. Maangas na cute.

Preia threw a glance at me habang nire-retouch ng mga babae ang make niya at inaayos ang costume niyang si Tita Linda, Ashley's mom, ang tumahi mula sa rehab center.

I was just at the sideline watching her. Maybe with so much love in my eyes. Obvious naman daw sa mga mata ko, iyon ang lagi nilang tukso sa akin kapag nakikita nilang nakatingin ako kay Preia.

She gave me a smile--the prettiest smile, for me. It made my heart skipped a beat.

Kinapa ko ang inhaler sa bulsa ko. Lagi akong may dala just in case atakehin siya ng hika at hindi na naman niyang mahanap ang inhaler niya.

Ginantihan ko rin ng ngiti ang magandang ngiting ibinigay niya sa akin. She giggled na parang kinikilig.

Sina Tatay Gilbert, Nanay Christina, ang mga kapatid ni Preia, pati na rin ang Mama at Papa ni Preia ay nakaupo na sa audience area kasama ang buong gang.

Dear me, I love watching her.

Hindi ko inakala noong una na ma-i-in love ako sa isang tulad ni Preia.

Galawgaw. Maingay. Madaldal, Mahilig makialam sa mga gamit ko. Mausisa. Makulit. Wala alam sa mga kanta ng Beatles at puro maiingay na rap ang gustong kanta.

Lahat na yata ng mga katangiang gusto ko para sa isang ideal girl ko ay wala sa kanya.

But here I am, falling so madly and deeply in love with her.

I love her with all my heart, including her flaws and not so good family background. Pati na rin ang sinasabi niyang kapalpakan sa buhay kasama na ang scandal video at pang-uumit ng bubble gum sa isang convencience store.

Bahagya akong natatawang napailing sa huling thought. Who cares with that, anyway? Definitely not me.

Hindi ang mga iyon ang magpapalayo sa akin sa kanya. Hindi ang mga pagkakamali at mga pagkukulang niya o ang pangit na family background niya ang magpapawala ng pagmamahal ko sa kanya.

Mahal na mahal ko siya para pag-ukulan ko pa ng pansin ang mga bagay na iyon. It was all in the past.

She makes me extremely happy and she loves me, that's all that matters.

My Imperfect Prince CharmingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora