Chapter 24 : A Miracle

2.6K 111 33
                                    

PREIA

"LANCE!" ANG GWAPONG mukha ni Lance ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. "What are you doing here at this hour?" nagtatakang tanong ko habang sumisinghot.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lance. "Have you been crying?" Inikot niya ng tingin ang mukha ko. I can see his eyeballs scanning my face.

Suminghot ulit ako at pinahid ang magkabilang pisngi ko. "Yeah... Si Gin kasi, eh."

Lalong lumalim ang pagsasalubong ng mga kilay ni Lance. "Sinong Gin?" There was an edge in his voice. Parang handang awayin ang sinumang nagpaiyak sa akin ngayon.

I giggled softly. "Si Gin, 'yung bidang lalaki sa pinanonood naming anime movie ni Yaya Brenda. Bigla kasi siyang nawala nang mahawakan siya ng human. Naiwan 'yung love interest niya. Ang tragic lang kaya naiyak kaming dalawa ni Yaya Brenda."

Lance breathed a long sigh. Tila nakahinga nang maluwag. "Akala ko may nang-away sa 'yo, aawayin ko rin sana para sa 'yo." He then flashed me his uber cute smile. He meant it as a joke but came out from his lips serious.

Napangiti ako. "Madiplomasya kang tao, Pangga. Hindi ka marunong mang-away."

"Handa akong gawin para sa 'yo."

I met his gaze and smiled at him. I liked that he was so protective of me. Hindi kahit kailan naging ganito sa akin si John. Siya pa nga ang nagpaiyak sa akin.

He gently wiped the wet part of my cheeks. Siguro ay hindi ko napahid nang maigi kanina. "'Wag ka nang manonood ng anime lalo na 'yang story ng Gin na 'yan. Pinaiiyak ka lang nila. Ako nga hindi kita pinaiiyak, tapos sila ginagawa nila," he fondly said.

I pouted my lips exaggeratedly. Nanggigil na pinisil ko ang magkabilang-pisngi niya. "Cute kaayo ng Pangga ko oy," natutuwang sabi ko.

He caught my hand and planted a light kiss on it.

"Wait, bakit nga pala narito ka? It's already past nine o' clock," nagtatakang tanong ko.

Malaya nang nakakaakyat sa unit namin si Lance nang hindi na siya hinaharang ng guard sa lobby kapag ganitong oras. Nagbilin na kasi kami sa guard sa lobby na ina-allow namin si Lance.

Lumuwang ang ngiti niya na para bang may naalalang maganda. "Come with me." I can hear the excitement in his voice.

"Where?"

His eyes twinkled when he smiled. "It's a surprise."

"At this hour?"

"Yeah. At kailangan nating magmadali kasi baka hindi mo na maabutan."

"Ang alin ba?" My curiosity was already building up.

"Basta. Surpise nga, 'di ba?" The he bit his lip and smiled mischievously.

I rolled my eyeballs. "Okay, sabi mo, eh. Pasok ka muna, magbibihis lang ako."

He eyed me from head to toe. "'Wag na. You look fine to me... And beautiful, too."

Isang kinikilig na ngiti ang lumabas sa labi ko. "Beautiful? In my pajamas? And with my unruly ponytailed hair?" Itinuro ko ang sarili kong kulang sa ayos.

He pinched my nose so full of tenderness. He looked in my eyes. "Yes, yes... And yes."

Pastilan oy!

I scrunched my nose and bit my lower lip. Baka mapatili ako sa kilig.

"Magpaalam ka na kay Yaya Brenda--"

"Alam mo basta ikaw, papayag agad si Yaya Brenda."

He cocked an eyebrow. "Really?"

"Oo, mapagkakatiwalaan ka raw. Boto raw siya sa 'yo para sa 'kin."

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon