Chapter 16 : Friend... Lang?

2.9K 121 45
                                    

PREIA

PERO HINDI DAPAT. Hindi naman ako ang tipo ng babae ni Lance. Malabong magustuhan niya ang jologs na tulad ko.

May kurot sa puso ang thought na iyon.

I forced myself to smile. Ayokong mag-dwell sa negative. I-e-enjoy ko na lang ang gabing ito. Hindi lahat ng commoner na tulad ko ay nabibigyan ng pagkakataon na maka-date ang isang prince charming na tulad ni Lance.

"Let's go?" yaya ko.

Tumango siya at hinawakan ako sa braso. Ang buong akala ko ay sa hotel lounge o sa restaurant niya ako dadalhin pero iginiya ako papuntang elevator.

Ilang saglit lang kaming naghintay at nang bumukas iyon ay agad kaming sumakay. He pressed the letter 'R'.

Rooftop?

Nagtatanong ang mga ko nang tumingin ako sa kanya. But he just flashed me his cute smile. Iyong smile na hindi man lumabas ang magaganda niyang ngipin ay pagka-cute-cute naman.

So I just kept my silence. Hindi ko na lang siya inusisa kahit na curious na curious ako.

When we got to the rooftop, isang nakangiting waiter ang sumalubong sa amin. At nang libutin ko ng tingin ang buong paligid ay napahigit ako nang hininga nang tumambad sa akin ang ayos ng rooftop.

Punung-puno ng fairylights ang buong paligid na tila nakikipaglaban sa liwang ng Manila skyline mula sa itaas at ng mga milyong bituin sa kalangitan.

Nakakalat ang red rose petals sa sahig. At sa gitna ng rooftop, doon sa may letter 'H' ay merong nakalatag na red carpet at table for two na merong bouquet of shrub flowers with different colors sa ibabaw niyon bilang palamuti.

I could not speak. I was in awe.

"A special date for a special girl like you..." Ang boses ni Lance ang tila nagpagising sa akin sa trance sa dulot ng amazement sa kapaligiran ko. His voice seemed to caress me gayong may ilang dipang pagitan sa aming dalawa.

Itinapat ko ang palad ko sa dibdib. "Para--para sa akin talaga?" paninigurado ko. Hindi talaga ako makapaniwalang mag-e-effort siya nang ganito para sa akin.

Nobody did this kind of grand gesture for me. Even John The One never did.

Only Lance Augustus Villarosa.

Lance laughed quietly. He affectionately poked me on my forehead while his eyes were twinkling with quiet laughter. "For a special girl like you, Princess Leia," he fondly said.

It was perfect in my ears kasabay ang tila mainit na palad na humaplos sa puso ko.

And for one moment, our eyes locked. Neither one of us wanted to take each other's gazes from each other. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko.

Nakakabilis naman talaga ng tibok ng puso kapag nakikipagtitigan ka sa gwapo.

"You can check this off from your bucket list..." he said, almost a whisper and never breaking the eye contact.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko agad nasakyan ang sinabi niya.

"A romantic date under the million bright stars," tila pagpapaalala niya. "Your bucket list? Hindi ba at kasama ito?"

Napatampal ako sa noo. "Pastilan!" bulalas ko. Bigla kong naalala ang bucket list ko. "Naalala mo?"

He smiled and shrugged his shoulders. "You showed it to me, remember? This is, I think the last from your list."

Napabungis ako. Hindi ako makapaniwalang binigyan niya ng pansin ang bucket list ko.

Tahimik lang kasi siya nang ipakita ko iyon. Pakiramdam ko nga ay walang siyang interes tulad ni John.

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now