Chapter 11 : Jokes are Half-Meant

2.8K 92 16
                                    

PREIA

NIYAYA KO SI Lance na mag-picture taking sa gilid ng chapel. Nag-selfie kami sa isang Our Lady of Fatima image sa gilid ng simbahan.

"Thank you for bringing me here, Lance..." sinserong sabi ko nang makasakay na kami sa sasakyan.

He looked at me and smiled. "You are welcome, Princess Leia..."

Pinakabog nang husto ng tinging iyon ang puso ko.

I cleared my gaze and tore my gaze away from him.

Napagdiskitahan ko tuloy ang car stereo niya. Nasa isang FM station iyon na ako ang naglipat. Iyong FM station na merong maingay na babae at lalaking DJs na kung makatawa ay parang wala ng bukas.

Jologs na jologs.

Hindi bagay sa isang tulad ni Lance.

"Bakit hindi The Beatles ang tumutugtog?" I asked, a little uncomfortable.

Hindi ko alam kung bakit na-o-awkward ako sa sitwasyon namin ngayon.

"Inilipat mo d'yan remember?" he answered casually kasabay ang pag-angat ng isang gilid ng labi. "'Yan ang radio station na gusto mo."

Bigla akong nahiya. "Ibalik mo na," mahina kong sabi.

"No, it's okay. Na-a-appreciate ko naman ang mga DJs. They're funny."

"Baka naiingayan ka sa kanila--sa mga tawa nila."

He cocked an eyebrow. "May mas iingay pa ba sa 'yo?" tukso niya. "Sanay na ako..."

Natawa ako nang mahina at marahan siyang pinalo sa braso sabay irap.

Pagkatapos ay tila may dumaang anghel at pareho na naman kaming natahimik na dalawa.

Hindi pa rin pinaaandar ni Lance ang sasakyan. Siguro ay naghihintay ng hudyat galing sa akin.

Pinagmasdan kong muli ang Pink Sister Adoration Chapel. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob.

"Alam mo kung ano prayer request ko?" wala sa sariling sabi ko at pagkatapos ay tinapunan siya ng tingin.

He did not reply. Maybe he was waiting for me to say it.

"Na sana makilala ko na ang tunay kong mga magulang..." dugtong ko habang nakatingin sa chapel. "Ang hirap kasi, eh. Parang laging may kulang..."

Hinarap ko si Lance. "Ikaw, anong ipinagdasal mo?" Pilit kong pinasaya ang boses ko sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko. Ayoko nang mag-dwell sa sadness.

Matipid na ngumiti si Lance. "Secret."

Pinalo ko siya sa braso. "Pa-secret-secret ka pa d'yan. Sige na, sabihin mo na. Ako nga sinabi ko sa 'yo..."

Patagilid siyang humarap sa akin at mataman akong pinagmasdan. Ang pagdaldal ng maingay na DJ sa radio station ang tanging naririnig namin sa background.

He fondly poked me on my forehead. "I prayed that God will answer whatever you've been praying and wishing for..." Seryoso pero malambing ang tinig niya.

For like a few seconds, we re just holding each other's gazes.

Tumimo sa puso ko ang sinabi niyang iyon.

"You prayed for me?" hindi makapaniwalang tanong ko.

It did not even cross my mind that Lance would pray for me. Mababaw para sa iba pero isang selfless move iyon para sa akin. Iyong imbes na ipagdasal niya ang sarili ay ibinigay pa niya ang chance na iyon para sa akin.

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now