Chapter 5 : A Prank Gone Bad

2.7K 88 27
                                    

PREIA

HABANG NAKAUPO AKO sa gilid ng kama ay hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib habang pinagmamasdan ko ang naka-ready kong malaking luggage.

Yes, I will be leaving tomorrow.

Darating na si Yaya Brenda bukas ng hapon mula sa bakasyon niya. Tapos na ang two-weeks na pananatili ko sa bahay na ito.

I will be leaving the Villarosa mansion.

I will be leaving Lance Villarosa.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa thought na iyon.

Nakakatawa lang ako. Hindi naman ako mangingibang-bansa. Magkikita pa rin naman kami ni Lance sa HFU campus kaya ang OA lang pakinggan na nalulungkot ako sa pag-alis ko.

Ewan ko ba?

Siguro ay mami-miss ko ang mga kalokohan ko kay Lance.

I always made fun of him. Gabi-gabi ay pinupuntahan ko siya sa kuwarto niya at kinukulit siya.

Kapag may konting topak ako, humihiga ako sa kama niya at sinasadyang guluhin iyon.
Manlalaki ang mga singkit niyang mga mata. At kapag bumangon ako ay agad niyang aayusin.

Lihim naman akong matatawa. He just looked cute with that expression.

Pero wala siyang sasabihin. Hindi siya magagalit. Siguro ay mahaba talaga ang pasensya niya at sanay na siya sa kakulitan ko.

Minsan naman ay titingnan ko ang mga libro niyang napakaayos na nakapatong sa table niya at guguluhin ang pagkakaayos. Na agad ay aayusin niya at papantay-pantayin ang mga iyon. Pagtatawanan ko naman siya dahil doon.

Minsan naman ay ang mga ballpens niya ang pagti-trip-an ko. Kasama na ang mga glittered gel pens na nakalagay sa mug of ballpens niya. Paglalaruan ko ang mga iyon. Halos uubusin ko ang personalized memo pad niya at magdu-doddle ng kung anu-ano habang nakikipagkwentuhan sa kanya.

He did not mind it.

Basta nakikinig lang siya sa mga kwento ko. Pero nakaantabay siya sa mga gamit niyang guguluhin ko dahil aayusin niya agad matapos kong guluhin.

I sighed.

Lance Augustus Villarosa.

Neat-freak at mukhang supladong tingnan pero mabait naman. Kapag nagpapaturo ako sa lesson ko ay hindi siya madamot sa pagtuturo.

Madalas kong pagmasdan ang cuteness niya at nag-iiwan iyon ng ngiti sa labi ko.

Ewan ko ba? Nagkaka-crush na yata ako kay Lance Villarosa. Kabilang na siya sa mahabang listahan ng mga crushes ko.

Na hindi naman imposible. Sa HFU lang ay ang daming babae at gay na nagkaka-crush sa kanya. Sikat siya sa HFU.

But the best thing about Lance Villarosa was introducing me to his great friends.

Kina Miranda, Ashley at Stasha. At sa wakas ay na-introduce na nila ako kay Jorjina Pascua.

Ang ganda ng samahan nilang magkakaibigan. And they treated me as if I really belonged.

I felt I did.

May asaran. May biruan. May tawanan. Maraming tawanan. Sharing of thoughts. Tulungan. Nagki-care sila. Sinasabi ang totoong saloobin at iginagalang iyon ng bawat isa.

Nang-ookray din sila minsan. Lalo na sina Ashley at Stasha. At sumasama ako sa pang-ookray minsan na sasawayin naman kami ni Miranda kapag sumosobra na kami.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon