Chapter 20 : Lance Proposes To Preia

3.1K 141 60
                                    

PREIA

HALOS PADILIM NA nang matapos kaming mag-KTV. Niyaya akong mag-dinner ni Lance pero tumanggi na ako dahil busog pa ako sa dami ng kinain namin sa loob ng KTV.

"So, ihahatid na ba talaga kita pauwi?" tanong ni Lance na tila disappointed.

Pwedeng huwag na muna? gusto ko sanang sabihin. Kaso baka naman gusto nang magpahinga ni Lance my Pangga.

My Pangga.

I pursed my lips para pigilan ang ngiti na dala ng kilig na naisip ko. 'My Pangga' na ang tawag ko kay Lance ngayong inamin ko na sa sarili ko na inlababo ako sa kanya.

Palihim ko siyang sinulyapan. Ang swerte ng magiging girlfriend niya. Pero dahil may kamalasan akong kakambal sa buhay, syempre hindi ako ang magiging girlfriend ni Lance.

Kailangang isaksak ko iyon sa utak ko para magising ako sa ilusyon na magugustuhan ni Lance ang tipo ko. Masakit din namang talaga iyong fact na gusto mo pero hindi ka gusto.
Kaya sasarilinin ko na lang.

Bago pa matunaw si Lance sa malagkit kong tingin ay ibinaling ko ang mga mata ko sa ibang direksyon. Halos malapit na kami sa condo. Kung pwede lang na bagalan ko pa ang paglalakad na parang nagpu-prusisyon para mas matagal ko pa siyang makasama. Kaso mahahalata naman niya ako nang sobra.

"Nakakain ka na ba ng ganyan?" tanong ko kay Lance sabay nguso sa kanya ng isang stall ng street food. Mga lamang-loob iyon na iniihaw.

Matagal ko nang niyaya si Yaya Brenda na kumain kami ng tulad nito. Pero hindi ko siya mapilit. May kaartehan ang yaya kong iyon. Nakakain na ako minsan ng ganoon sa Cebu at talaga namang masarap. Pero hindi na naulit dahil pinagalitan ako ni Kuya nang malaman niya. Source of sakit daw iyon.

But more than the food, I liked the experience more. Iyong iniihaw ito sa harap mo at langhap mo ang masarap nitong amoy pati ang sawsawan. Gusto ko ulit ma-experience iyon dito sa Manila.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lance pagkakita sa inginuso ko. Nalukot ang gwapong mukha sabay iling.

Bakit ko pa ba naitanong iyon sa kanya? Alam na alam ko naman ang sagot.

"Masarap 'yan. Bumili kaya ako?" sabi ko. Bigla akong naglaway lalo pa at nakita ko ang usok mula sa ihawan.

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya. "It's--" Napakamot siya sa ulo. Hindi niya magawang maituloy ang sasabihin dahil sa takot na baka ma-offend ako. Gusto siguro niyang sabihing hindi sanitary dahil sa mga sabay-sabay na nagsisipagsawsawan sa bote matapos isubo ang kinakain.

"Saka gusto kong panoorin kung paano ihawin. Nakakaaliw, eh. Gusto ko ring magpa-picture sa tabi ng ihawan," parang nangangarap kong sabi. Iniisip ko na kung paano gagawing Instagrammable ang picture ko na iha-heart ng marami.

Pinaglipat-lipat ni Lance ang tingin sa akin at sa stall ng ihawan. Hindi maipinta ang mukha niya.

"Huwag na lang. Okay lang," kibit-balikat kong sabi. Sa dami ba naman ng pwede kong sabihan ng kagustuhan kong kumain ng street food ay si Lance Villarosa pa. Hinila ko siya. "Halika na."

Pero hindi siya nagpahila. "Gusto mo ba talagang kumain ng ganyan?" aniya sabay turo sa street food.

Maarte akong nag-pout ng lips at naglungkot-lungkotan. "Yes."

Ilang segundong mataman lang siyang nakatingin sa akin. Parang may isang bagay na pinagdedesisyunan at nasa mukha ko ang sagot.

Napakamot siya sa likod ng ulo. "Okay, sige. Tara."


"LANCE! PREIA!" EXCITED na tili ni Miranda nang makita kami. Katabi niya sina Jorj at Ashley.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon