Chapter 29 : "I love you. Period."

2.4K 114 67
                                    

PREIA

TWO LONELY AND heartbreaking nights.

Dalawang gabi na akong nasa bar. Umiinom nang walang humpay. Na parang wala ng bukas.

It was like a therapy for me. Kapag umuwi akong lasing na lasing, nalilimutan ko kung ano ang bumabagabag sa puso at isipan ko.

Pansamantala kong nalilimutan kung ano ang istorya ng buhay ko.

Kung anong klaseng lahi meron ako.

Pero paggising ko kinabukasan, kapag wala na ang espirito ng alak at pumalit na ang napakasakit na hangover, nagbu-boomerang ulit ang lahat sa akin.

Nasa bayan ng Apolonio ako ngayon, as of speaking.

Kinabukasan, pagkatapos kong makausap ang tunay kong ina at si Lance, nagpasya akong umalis.

Una para kalimutan ang lahat na parang isang masamang bangungot. Pangalawa, para palayain na si Lance.

I did not deserve Lance. And neither did Lance deserve someone like me.

Sa ngayon, sinasabi niyang mahal niya ako. Pero paano kung dumating ang panahon na maabot na niya ang lahat ng mga pangarap niya at nasa tabi pa rin niya ako? Dumi lang ako sa malinis niyang pangalan.

Kaya habang maaga pa ay dapat nang maputol ang ugnayan naming dalawa.

Sakay pa lang ako ng bus papuntang Apolonio ay nagpalit na agad ako ng SIM card.
Ayokong matawagan o ma-trace man lang nila. Hindi ko pa alam ang eksaktong plano ko sa buhay.

Gusto ko munang mapag-isa.

Malayo sa lahat.

Ang bayan ng Apolonio ang una kong naisip. Bakit hindi? Dito ako 'ipinatapon' nina Papa at Kuya nang hindi nila masuheto ang pagrerebelde ko at lumabas ang scandal video ko. Kabisado ko na ang lugar dahil nag-stay ako sa isang apartment na nirentahan nila para sa akin.

Nang makarating ako sa Apolonio, nag-stay ako sa isang hotel sa bayan. At kinagabihan lang ay nagpunta na ako sa isang bar at uminom nang uminom.

I was alone. And I liked that fact. Walang nakakakilala sa akin, lalo pa at suot ko ang green wig ko.

Sana nga ang buhay ay parang cosplay. Pwedeng mong i-cosplay ang kahit na anong character ang gusto mo. Gusto ko ang character na maganda ako, matalino at higit sa lahat tunay na anak ng isang pamilyang may maganda at malinis na background.

I wished for that.

Three shots of brandy and one shot of tequila. Umeepekto na ang espirito ng alak sa akin.

Halata na rin na nagpapa-cute sa akin ang bartender.. Kahapon pa siya nagpapa-cute pero hindi ko pinapansin.

Sorry, may boyfriend na ako. Isang super cute na chinito na ang pangalan ay Lance Villarosa. Sikat ang pamilya niya. May sinasabi sa lipunan.

I raised one corner of my lips. Boyfriend ko pa rin ba siya? Hindi ba at iniwan ko na siya?

Yeah. Para sa ikabubuti niya in the future.

Kahit na nasasaktan ako sa ginawa ko. Ganoon naman ang talagang nagmamahal. Handang magsakripisyo para sa mga taong mahal nila.

Hindi ko alam kung dahil lang ba dala ng kalasingan ay nakita ko si Lance sa loob ng bar.

And in my imagination, he was wearing his usual attire--white long sleeved polo at denim pants. Laging naka-white. Parang laging a-attend ng binyagan.

Always immaculately clean and neat.

Lance Augustus Villarosa.

Napangiti ako. Sobra ko siguro siyang miss kaya nagiging solid na ang imahinasyon ko pagdating sa kanya.

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now