Chapter 9 : Piggy Back Ride

2.8K 106 9
                                    

PREIA

TUMAYO AKO AT nag-chicken dance. "Two weeks... Two weeks..." pagkanta ko na wala sa tono habang kumekendeng.

Tumayo rin si Lance mula sa swing at mataman akong pinagmamasdan habang para akong baliw na nagkakakanta sabay kendeng.

"Two weeks?" hindi makapaniwalang ulit niya habang nakatingin sa akin.

I stopped dancing and met his gaze with a smile in my eyes. Hindi ko alam kung bakit ako pinasaya ng pag-e-extend ng bakasyon ni Yaya Brenda sa Cebu. 

"Two weeks..." pagkukumpirma ko.

"Ulit?"

Mga kilay ko naman ang nagsalubong. "Yes. Two weeks ulit ako rito..."

Hinampas ko siya nang malakas sa braso. "Teka, bakit hindi ka yata masaya? Pina-plastic mo lang ba ako nang sabihin mong mami-miss mo ako?" akusa ko habang naka-pout ang labi.

"No, it's not like that," kontra ni Lance habang hinihimas niya ang brasong pinalo ko nang malakas.

I crossed my arms over my chest. "Eh, ano?" mataray kong tanong.

Hindi siya nakasagot. Parang sa reaksyon niya ay hindi niya mahanap ang tamang kasagutan sa tanong ko.

"Nothing," aniya at umiling. "Forget about it."

Inismiran ko si Lance. "Pina-plastic mo lang yata ako, eh. Parang ang totoo ay hindi mo naman ako mami-miss at gusto mo na talagang umalis ako rito--"

"Wala akong sinasabing gan'un, Princess Leia," mabilis na kontra ni Lance. Nagsasaway ang tono niya.

Nameywang ako at tiningnan niya nang diretso sa mga mata. "Eh, bakit 'yung reaksyon mo parang pinagsakluban ng langit at lupa nang malaman mong mag-e-extend ako rito ng two weeks?"

Lance rolled his eyeballs. "Now, that's exaggerating, Preia..." Nangingiti siya na parang na-a-amuse sa sinabi ko.

"So, masaya kang mag-i-stay ako ulit rito ng two weeks?" pangungulit ko.

Lance was quiet for a few seconds. Na para bang pinagdedebatehan sa sarili kung sasagutin ang tanong ko o magsasawalang-kibo na lang.

Then he sighed and gently poked me on my forehead. "Masaya ako..." aniya sa mahinang ngunit malambing na tinig.

Pagkatapos ay nilampasan ako at lumakad na patungo sa loob ng bahay.

Nakakailang hakbang na si Lance palayo sa akin ay hindi pa rin ako nakakahuma sa kinatatayuan ko na para akong isinemento.

Masaya ako...

Parang nag-e-echo sa tenga ko ang sinabing iyon ni Lance.  Kinagat ko ang hintuturo ko.

Bakit kinikilig ako?

Giatay oy!

Nang matauhan ako sa tila pagka-shock sa sinabi ni Lance ay agad akong nagtatakbo pahabol sa kanya. Naabutan ko siya sa malaking sala.

"Lance, i-piggy back ride mo nga ako."

Wala na. Hindi ko na naman na-filter ang thoughts mula sa utak ko papunta sa bibig ko. Hindi ko na pwedeng mabawi pa. Ang lapad kasi ng likuran niya.

Parang masarap sandalan.

Muscular and seemed sturdy.

Halos magdikit ang kilay ni Lance nang humarap sa akin. "Seryoso ka?"

Sunud-sunod ang tango ko. "Sige na, i-piggy back ride mo ako paakyat sa kuwarto ko," pamimilit ko kasabay ang isang matamis at nang-uutong ngiti.

Ilang segundong nakatingin lang sa akin si Lance. "God, you're really serious..."

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now