Chapter 23 : Lance Still Likes Preia At Her Worst

3.1K 114 49
                                    

PREIA

"SUNDO NIMO NAA sa gawas," anunsiyo ni Yaya Brenda paglabas ko ng kuwarto. "Papapasukin ko na ba?"

"What?!" bulalas ko. Kagigising ko lang at kakain pa lang sana ng breakfast. Mukha pang bruha ang hitsura ko dahil sinuklay ko lang ng mga daliri ang buhok ko. At nasa labas na raw ang sundo ko sabi ni Yaya Brenda.

Wala namang sinabi sa akin si Lance kagabi na susunduin niya ako ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Alas-siete y media pa lang ng umaga. Alas nuebe kasi ang pasok ko. Pero si Lance ay mamayang alas-dose pa.

Ang aga niyang nagising at bumiyahe para sa akin. How sweet.

"Uyab na ba nimo?" tanong ni Yaya Brenda. She was asking kung nobyo ko na si Lance.

Isang pabebeng ngiti lang ang isinagot ko.

Inikutan ako ng mga mata ni Yaya Brenda. "Kiatan!" pang-aasar niya na ang ibig sabihin ay 'malandi'. Ganoon naman kami magbiruan ni Yaya Brenda.

"Inggit ka lang."

"Sabihin mo sa Kuya mo na may uyab ka na."

"Hindi siya tututol kasi si Lance Villarosa 'yun. Hindi basta-basta ang Pangga ko."

"Yabang. Ginayuma mo siguro."

"Yaya Brenda!"

Kinuha ko ang tuwalya ko at isinampay ko sa balikat ko para matakpan ang harapan ko. Wala kasi akong suot na bra. Itinakip ko ang tuwalya

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Lance na patagilid na nakasandal sa pader at matiyagang naghihintay. He was in his usual white sports shirt and dark jeans. May dala siyang paper bag ng isang kilalang coffee shop.

Simply dressed but impossibly cute.

My cute chinito guy. My Pangga.

He smiled broadly when our eyes met. "Good morning," he greeted me in a low cheerful voice. As if he was really happy to see me.

"Good morning, Pangga!" bati ko na nag-echo sa hallway ang boses ko kahit na nakatakip pa ang kalahati ng mukha ko. Ayoko kasing ipakita kay Lance ang oily kong mukha at saka baka maamoy pa niya ang bad breath ko at ma-turn off pa. Nag-tu-toothbrush lang ako kapag naliligo na ako sa umaga.

Lalapit sana siya pero pinigilan ko. "Maintain three feet distance, please."

Kumunot ang noo niya. "Why? At saka bakit nakatakip ng tuwalya 'yang mukha mo?" Inamoy niya ang sarili. "Mabango naman ako, ah." His eyes were smiling.

"Ako ang hindi mabango. I am at my worst, Pangga. Hindi pa ako naliligo dahil kagigising ko lang--"

Lumapit siya at pilit na inalis ang tuwalyang nakatakip sa mukha ko. Then his eyes roamed around my face. My cheeks reddened.

Ka-turn off-turn off ang hitsura ko. Pastilan, huwag naman sanang ma-walk out si Lance sa nakita niyang oily face ko at ang buhok kong parang pugad ng ibon.

His gaze soft and loving. Then he broke into a smile. "Nothing's changed... I still like you at your worst, my Princess Leia..."

A feeling of warmth washed through me, making my knees turn to jelly. Totoo pala ang ganitong feeling kapag super kinikilig ka. Iyong parang nanghihina ang mga tuhod mo dahil lang sa isang gwapong ngiti. Giatay oy!

Iniabot niya sa akin ang isang malaking long-stemmed red rose. "Day two of our forevermore..."

"T-thank you," I mumbled. Ayokong ibuka nang malaki ang bibig ko sa takot na baka maamoy niya ang bad breath ko.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon