Chapter 17 : "Hi, Lance..."

2.5K 114 38
                                    

PREIA

ITINURO KO SIYA at pagkatapos ay ang sarili ko. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?

"More than friends?" paninigurado ko sa narinig ko. "Tayo?"

"Tayo. More than friends." He was serious. As in.

Ginoo. Unsa man ni oy?

Ang saya namang pakinggan. Pero kung gaano kasarap pakinggan ang bagay na iyon, ganoon din kadaling nabura iyon sa utak ko.

Gising, Preia. Malabo. Hindi kayo bagay ni Lance, sigaw ng isang parte ng utak ko.

Malakas na sigaw na dinig na dinig ko. Na parang ginigising talaga ako sa pagdi-daydream. Naglaglag tuloy ang balikat ko pero hindi ko ipinahalata.

Mababaw lang ang pangarap ko. Hindi kasing-taas na pangarapin ang isang Lance Villarosa.

Idinaan ko sa pagtawa ang lahat. "Ano ka ba, Lance Villarosa? Hindi tayo pwedeng maging more than friends. Hindi tayo bagay..."

"Why?" he asked, his lips turning into one line and brows furrowed.

Kasi high ang mighty ka. Kasi maganda ang reputasyon mo, gusto kong isagot. Hindi pa ba obvious?

"Hindi tayo bagay. Ang bagay lang sa 'kin, 'yung mga tulad ni John The One ko. Ang mga tulad niya ang bagay sa 'kin. Kami ang bagay," sabi ko.

Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Baka makita pa niya ang pagsisinungaling sa mga mata ko. Masarap namang talagang pangarapin na maging more than friends kami ni Lance. Pero hindi kami bagay. Halos langit ang agwat niya sa akin.

I will never be Lance's The One.

Ang mga tulad ni John lang ang ka-level ko. Iyong mga tipong ang daming palpak sa buhay at mantsa sa reputasyon.

For a few seconds, Lance did not say a word. His expression was blank. I could not read his emotion.

Then he raked his fingers through his hair and let out a deep sigh. "I got it, Preia. Loud and crystal clear," seryoso at hindi ngumingiting sabi niya.

May nasabi ba akong masama? Bakit parang bigla siyang nainis sa akin? Sinagot ko lang nang totoo ang tanong niya.

And for the rest of the evening, he became quiet and looked so deep in his thoughts. Kaya ako na mismo ang nagyayang umuwi sa kanya.

Lance Villarosa avoided me like a plague after that night.

He would always tell me he was busy. Madalang na niya akong kausapin. Parang itinataboy pa ako kapag nagpupumilit akong pumasok sa kuwarto niya.

Parang laging iritado kapag nakikita ako. Hindi na siya natatawa sa mga jokes ko. Tila maikli na rin ang pasensya niya sa kakulitan ko. Kahit na nagbabanta ako ng fireballs at pagkanta ng 'Hayaan Mo Sila' ay walang epekto.

Mas lalo pa ngang naiirita.

And one day, I decided not to bother him anymore.

Hanggang sa dumating na si Yaya Brenda sa Maynila mula Cebu at sunduin ako sa bahay nila. I did not get to say good bye to Lance.

Wala siya sa bahay nang sunduin ako nina Kuya at Yaya Brenda sa mansyon nila. I was calling him to say good bye but he did not pick up my call.

I sent him a text message thanking him for everything. Pero walang reply. I messaged him though online chat. Seenzoned lang ang beauty ko.

Umalis ako sa bahay nila nang hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya kahit sa telepono lang.

And it was a hard realization on my part.

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now