Chapter 19 : Terrified

2.8K 102 26
                                    

PREIA

TUWING WEEKEND, MAS gusto ko pang nasa condo lang ako at manood ng cosplaying events sa Youtube o hindi kaya ay mag-browse ng costumes sa internet habang ngumunguya ng paborito kong cheesy chichirya.

Sa ganitong paraan nauubos ang oras ko simula nang lumipat ako sa condo. Minsan nga ay nakakalimutan kong hindi pa pala ako nakakaligo sa maghapon.

Wala na kasi akong Lance Villarosa na mapuntahan sa kabilang kuwarto para kulitin ko.

Napangiti ako nang maalala ko si Lance. Miss ko na agad siya gayong nakikita ko naman siya sa campus araw-araw. Hindi man kami madalas na magkausap, at least ay nasisilayan ko pa rin ang cuteness niya.

At masaya ako kapag nagagawa ko iyon. Sapat na sa akin ang mga ganoong kababawan.

Natigil ako sa panonood nang marinig kong tila may kausap si Yaya Brenda sa labas. Hininaan ko ang volume ng pinapanood ko at pinakinggan ang mga boses sa labas.

Boses ng isang lalaki ang kausap ni Yaya Brenda. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto para tingnan kung sino ang kausap ni Yaya Brenda. Dinidilaan ko ang hinlalaki at hintuturo ko para alisin ang mga kumapit na cheese.

Nabitin ang pagsipsip ko sa daliri ko nang makita ko si Lance na nasa labas habang nakaharang na nakapameywang si Yaya Brenda sa pinto.

"Dili ka nga pwedeng pumasok," mataray na sabi ni Yaya Brenda.

Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin ni Lance. He smiled and waved at me. Agad kong inalis ang daliri kong nakasubo sa bibig ko.

Saka ko naalala na wala pala akong suot na bra sa gray tank ko. Naka-pajama pa ako dahil matapos kong magising at kumain ng almusal ay nagbalik ako sa kuwarto para manood. Lumabas lang ulit ako para mananghalian.

Hindi ko namalayan na pasado alas-kuwatro na at hindi pa pala ako nakakaligo kakababad sa internet. Ang gulo-gulo pa ng pagkakatali ng buhok ko. At baka mamaya ay may bakas pa ako ng cheese sa bibig dahil makalat ako minsan kumain ng chichirya.

Mukha akong dugyot!

Lance cocked his head on one side to have a full view of me. "Hi, Princess Leia," nakangiting bati niya. He looked amused.

Hindi agad ako nakasagot. Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang ako sa kanya at pagkatapos ay napatingin sa dibdib ko.

Giatay oy! Nakabakat ang utong ko.

On instinct ay naikrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko. "Wahhh!" tili ko sabay tago sa kuwarto ko.

Maliit lang naman kasi ang tinutuluyan naming condo. Isang diretsong espasyo lang na kuwarto ko na ang dulo. Itinago ko ang katawan ko habang nakasilip.

"Can I come in?" I heard Lance asked Yaya Brenda politely.

"Dili!" matigas na sabi ni Yaya Brenda.

"Yaya, si Lance na!" tili ko. I was telling her it was the Lance Villarosa. Kilala niya si Lance at alam niyang kina Lance ako tumuloy noong wala pa siya rito sa Manila.

"Ah, wa koy labot bisag si Lance pa na siya," mataray na sagot ni Yaya Brenda na bahagya lang akong nilingon at pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Lance. Nakapameywang pa rin siya na talagang nakaharang sa pinto na para bang mamumuwersa si Lance na pumasok sa loob.

I rolled my eyeballs. Wala raw siyang pakialam maski na si Lance pa iyon. Pastilan! Alam ba ni Yaya Brenda ang sinasabi niya?

"Yaya, kaila man sila Papa ug Kuya," pangangatwiran ko. Sinasabi kong kilala naman nina Papa at Kuya si Lance nang personal.

My Imperfect Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon