Chapter 10 : The Tagaytay Trip

2.9K 98 26
                                    

PREIA

KINAGABIHAN, NAGPAPALIT PA lang ako damit galing sa eskwelahan ay nakarinig ako ng mahihinang katok sa kuwarto ko.

Nagmamadali kong sinuot ang t-shirt at binuksan ang pinto.

"August!" bulalas ko nang mapagsino kung sino ang nasa pinto.

Niluwangan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya. "Aba, himala, kumakatok ka sa kuwarto ko," bungad ko sa kanya at bumalik ako sa kama para ligpitin ang nakakalat kong pinaghubaran.

Hindi siya kumibo. Sumunod siya sa akin sa loob. Ang mga kamay niya ay nakatago sa likuran.

Nilingon ko siya. "Saan ka galing, ha?" agad kong sita sa kanya.

Maagang natapos ang klase niya at nagsabi siya sa akin na mauuna na siyang umalis dahil may aasikasuhin pa siya. Sina Jacob at Miranda tuloy ang naghatid sa akin sa bahay.

"For you..." aniya nang makalapit sa akin.

Iniabot niya sa akin ang isang paper bag ng designer brand na Channel.

"Sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes."

"Malayo pa ang pasko at birthday ko--"

"It's not a gift. And besides, kailangan bang may okasyon para magbigay ng kung ano sa isang tao? I just personally believe you badly need it--"

"Thank you," mabilis kong sabi kasabay ang pananaba ng puso ko dahil sa gesture niya.

Kinuha ko mula sa kanya ang paper bag at agad na inilabas mula roon ang isang maliit na transparent pouch na may black logo ng Channel sa gitna.

"That's for your inhaler at iba pang mga gamot o kailangan mo para sa asthma mo. Ilagay mo lahat d'yan para madali mong makita kahit na napakagulo ng loob ng bag mo. Para hindi ka na mahirapang maghanap habang nahihirapan kang huminga."

Habang nagpapaliwanag siya ay nakatingin lang ako sa kanya.

He was so sweet. Hindi ko akalaing maiisip niya akong bigyan ng ganito. It was not the branded pouch that mattered.

It was the thought.

Naalala niya akong bigyan ng ganito para madali kong mahanap ang inhaler ko sakaling atahikin ulit ako ng hika.

Such a sweet gesture.

I cleared my throat. Sa bihirang pagkakataon ay tila napipi ako. "T-thank you..."

Ayan, nautal pa ako.

He gently poked me on my forehead. "You are welcome, Preia."

"Magulo ba talaga ang loob ng bag ko?"

He rolled his eyeballs. "Alam mo ang katotohanan sa tanong mong 'yan."

Nakangiting inismiran ko siya.

"Use it now. Gusto kong makitang nailagay mo na ang inhaler mo d'yan. Serve its purpose."

"Kailan mo ito binili?"

"After school."

"Ito ang dahilan kung bakit nauna kang umalis? Para magpunta sa mall at bilhin ito?"

"Yes."

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Nagpunta ka ng mall, hindi mo pa ako isinama."

He laughed quietly. "Nahihiya akong makita mo ang bibilhin ko. And I wanted to surprise you with that."

Pastilan, Lance. Pinapa-smile mo ako...

Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang bag kong nakapatong roon. Nanatiling nakatayo si Lance habang pinanonood ang mga kilos ko.

My Imperfect Prince CharmingWhere stories live. Discover now