Chapter 260

806K 25.8K 25K
                                    

A/N: Meron pa isa. Bukas nalang siguro yon.

Pay him a visit

Jay-jay's POV

Hindi ako nagbago. Hindi ako nawalan ng malay. Hindi ako nanakit ng hindi ko alam. Pero bakit?

"Jay-jay." Tawag sakin ni Kuya Angelo.

Ay palaka!

Hindi ko namalayan ang pagdating nya. Akala ko isa lang sya sa mga nurse at doctor na labas masok sa kwarto namin.

"Ha?" Ang tanging nasagot ko sa kanya.

"Where is Aries?" Tanong nya habang binaba ang dala nyang briefcase sa sofa malapit sa kama ni Aries.

"S-sa canteen. Kasama si Ella."

Naglakad si Kuya palapit sakin at naupo sa kama ni Aries na katabi lang ng kama ko. Muka na naman syang pagod na pagod sa trabaho.

Pero syempre gwapo pa rin.

"Sorry Jay... Hindi kita nabantayan ng maayos kaya nangyari to."

Mabilis akong umiling. "W-wala kang kasalanan. Yung Sato ang may gawa nito kaya andito kami ngayon sa ospital."

Kahit kung tutuusin hindi naman dapat kami na-confine. Mapilit lang talaga tong sa Kuya. Nang makita nya ang parehong itsura namin ni Aries kulang nalang ipa-ICU nya kami.

Kaya si Kuya nga ang may kasalanan kung bakit kami nasa Ospital. Mind blowing!

"Bakit pumunta ka dito? Pwede ka namang umuwi na muna." Sabi ko ng mapansin ko ang pagpisil nya sa sintido nya.

"Yung Sato..." Panimula nya. "...ka-kilala pala ni Tiger."

Anak nang... Si PPAP?!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Yung lukong yon na may-ari ng Kingsground. Gagawin kong itim ang dilaw nyang buhok.

"P-panung?"

"Maraming kilala ang luko na yon. Hindi na ko magtataka kung magkakilala sila." Napabuntong hininga sya.

Kakilala? Eh hindi nga makatanda ng pangalan ang maayos ang ugok na yon. Kinain na ata ng kabaduyan nya ang utak nya.

Pinagmasdan ko ang tila problemadong muka ni Kuya. Para bang meron syang iniisip na malalim. Para bang nagpipigil ng utot o dighay.

"M-may problema ba?"

Umiling sya at nagpilit ng ngiti sakin. "Nothing serious."

Hindi ako kumbinsido sa sagot nya. Pakiramdam ko may malalim na problema. Kinakabahan ako. Baka kung ano naman ang ka-abang-abang na magaganap sa buhay ko.

Shit! Baka nanalo ako sa lotto ng hindi tumataya!

"Kuya... Yung totoo? Pinapakaba mo ko."

Tinignan nya ko ng seryoso at dun ko napagtanto na mukang may hindi magandang tumatakbo sa isip nya.

"Iniisip ko kung pano ko babasagin ang bungo nya." Seryoso'ng sabi nya. "...sya nagbigay ng information kay Sato tungkol sa inyo."

Tarantado!

Napakurap-kurap ako. "Ilabas mo na ko dito. Please lang."

"Why?" Pagtataka nya.

"Ako babasag sa bungo ng lintik na Tiger na yon! Traydor ang hayop!" Inis na sabi ko.

Napailing si Kuya. "Hindi sya traydor."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon