[Chapter 2: Goodbye]

4.8K 84 0
                                    




~*~

Urrrgh.... Nakakabore na~ Kanina pa ako nakaupo dito sa bench malapit sa field. Kakabalik lang namin nila Brielle dito sa university at sana pala di na kami pumasok dahil walang class ngayong hapon. Psshh...

"Kambal ko~~" halos magtayuan ang mga balahibo ko dahil sa biglang may yumakap sakin sa likod ang hina pa ng boses nya.

Bumitaw sya sa yakap at tumabi sakin sa bench. "Akala ko naman may multo na. Oh, bakit ang tamlay mo ata?" Aish... Di ako sanay... "Kambal, mami-miss kita ng sobra-sobra wag mo ko ipagpapalit sa iba ha? Ako lang ang kambal mo? Maliwanag?" Napakunot ang noo ko sa kanya. "Ano bang nakain mo at kung ano-anong pinagsasabi mo?" Napapout naman sya. "Basta mag promise ka!" Napabuga na lang ako ng hangin at tinaas ang kanang kamay ko. "Promise." Kung ano-ano kasing nalalaman na kalokohan.

"Bakit ba kasi? Ano na naman bang trip mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Tara kambal, alam kong wala kang class ngayon. Let's go!" Napabuntong hininga na lang ako at nagpahila sa kanya.

"Yow~" napairap na lang ako sa hangin ng makarating kami sa isang red luxurious car at ng makita ko si Dylan sa loob nun. "Oh, bad mood?" Takang tanong nya nagpout lang si meow-meow at sya na ang sumagot.

"Nakita ka na nya kaya bad mood na sya." Simpleng sagot ni Kath na inismidan lang ni Dylan at in-start na ang engine ng kotse.

"Insan sa mall tayo ngayon." Masayang sabi ni Kath sa pinsan nyang si Dylan. Dylan Stallone, pinsan ni Kath sa father side. "Kambal, yung sasabihin ko sayo, wag ka mabibigla ha?" Kung makapagsabi tong katabi ko, eh sya nga tong kung makatilin sa simpleng bagay wagas.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko saka humarap sa kanya. Nanadito naman kaming dalawa sa backseat at nagdadrive lang si Dylan n alam kong nakikinig din samin.

"Magpapaalam lang sana ako sayo today. I'm going to Australia for my safety, tomorrow morning is my flight. I will miss you, kambal." Napalunok ako dahil sa sinabi nya habang sya naman ay umiiyak na.

"Naaahh.... Wag ka na nga umiyak." Bigla na lang nya kong niyakap at binasa na nya ng luha ang damit ko, narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Dylan sabay sulyap sa rear view mirror. Alam kong magiging mahirap ang paghihiwalay namin pero di ko kayang umiyak ngayon sa harap ng bff ko. Di ko nga alam kung bakit ganun.

"Hush.... It's ok. Let's just have fun today before you leave." Kumalas na sya sa yakap at tumango-tango. "Sorry, nabasa ko pa tuloy ang uniform mo." Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ayos lang." Pinunasan ko ang luha nya pero binigay ko na rin sa kanya ang panyo ko. "Ikaw na nga magpunas, pati sipon kasi kumakalat." Ismid kong sabi na ikinatawa lang nya. "We're here, ladies." Dylan inform us and get outside the car. Lumabas na din kami ni Kath at sumakay kaming tatlo sa elevator papuntang second floor.

"Mag shopping muna tayo tapos food trip and so on..." Mukhang mapapagod kami ng husto ngayon.

"Buti na lang at Friday ngayon." Bulong ko sa sarili ko.

***

"Hmmm..... Meow-meow, balita ko friends na kayo nung Queen Bee nyo saka nung kapatid at pinsan nya." Napakunot ang noo ko sa kanya saka umupo sa tabi nya.

Nandito kami sa isang korean restaurant, kakatapos lang naming mag shopping.

"I know what you mean. Hindi naman kita ipagpapalit." Ngising sambit ko dito saka um-order.

"Ano ba yang ka cheesy-han nyo, tumigil nga kayo!" Nag make face lang ako kay Dylan na katapat ko na inismidan lang ako at si na kami pinansin. "Pinsan dapat kapag dumalaw ulit ako dito sa pilipinas may girlfriend ka na para di ka na maging bitter." Biglang sambit ni Kath at bigla namang napatingin sakin si Dylan.

I arched my brow at him at bigla ko na lang narinig ang paghagikgik ni Kath.

"Edi liligawan ko na si Katniss para kahit nasa Australia ka palang may gf na ko." Cool nyang sabi na ikinairap ko. "Asa ka namang sasagutin ka nya. In your dreams, couz." Mapang-asar na sabi ni Kath kay Dylan.

Madalas pala nakakaasar talaga ang pagiging straight forward ni Dylan. Tss.

Hayyy..... Nagpaiwan ako dito sa pilipinas para makasama ko ang bff ko pero ito kami ngayon at maghihiwalay na.

***

Matapos naming kumain ay hinatid na nila ako pauwi sa bahay. "I will miss you a lot, kambal." Kath said then hug me. I hugged her, too. "Me too. Take care." Lumabas na ko ng kotse at nagwave na lang kay Dylan.

Pinaalis ko muna sila saka ako pumasok sa bahay.

~*~

Someone's Point of View

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" Tanong ng isang babaeng may kaedaran na pero di parin kumukupas ang angking kagandahan at ang lakas ng karisma nito.

Tumango naman ang kanyang utusan sa tanong nya at sumagot. "Opo, may mga proweba na din po kong nakita. Ang kanyang tattoo at lalo na po ang kanyang angking kagandahan at di mo maitatanggi ang pagkakahawig nila ng kanyang ina." Magalang na sagot ng kanyang utusan.

Ang babae ay napahigpit na lang ang hawak sa kanyang baso ng alak at nanggigigil na binato ito sa pader.

Nabasag ang baso at di na nakagalaw sa kanyang kinatatayuan ang nya dahil sa takot at kaba. "Kill her." Madiing utos ng babae na tinanguan lang ng kanyang utusan at umalis na.

'I'll not let you to ruin everything that I planned for how many long years.'

Wika ng babae sa kanyang isip saka muling kumuha ng maiinom. "Malapit ko ng matapos ang ate nya tapos bigla ko na lang malalaman na buhay sya? Magiging madali na sana ang lahat dahil isa na lang ang kailangan kong patayin pero bumalik pa sya." Pinakalma na lang nya ang sarili at binaba ang kanyang iniinom ng may kumatok sa kanyang silid.

Pinagbuksan nya ito ng pinto at nakita ang isang napakagandang dalaga na kahawig nya.

"Mom..." Bati ng dalaga at niyakap ito.

'My lovely daughter. She's the only one who deserves the throne.'

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now