[Chapter 38: Mafia City]

1.3K 29 0
                                    




~*~

Katniss' Point of View

My tied up hair blew by the wind as I drifted my motorcycle. ["Enjoying the ride?"] natawa na lang ako sa sinabi ni Shy sa earpiece namin. "Uhuh." Sang-ayon ko naman at narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya.

Nilingon ko sya ng nasa crossing line na kami.

Lumiko sya sa kanan at sumunod na din ako.

["Malapit na tayo, mga 1 kilometer away. Haha..."] gaya nga ng sabi nya ay nakarating na din kami sa MC.

Kung titignan mo ay parang napakatahimik ng buong lugar pero kapag nandito ka na ay mararamdaman mo na ang mga nakatagong lakas at mga delikadong tao na di mo nakikita kung titignan mo lang ito sa malayo.

Sobrang bilis ng pintig ng puso habang dumadaan kami sa mga streets ng Mafia City. Halos lahat ng madaanan naming mga tao ay napapatingin samin. Nakasunod lang ako sa motor ni Shy (Shyvana). Obvious naman na kilala na nila si Shy dito dahil halos padaanan lang nila ng tingin ang motor ni Shy at ako talaga ang pinagtutuonan nila ng pansin. Feeling ko malulunod na ko sa mga titig nila eh.

Pumunta kami sa isang malaking mansion at muntik pa kong hindi padaanin ng mg Mafia Guards kung hindi ko lang pinakita ang wristband ko. Psshh.... So, kilala na din pala kami ni Shy bilang BGD? (Bloody Gem Dragons)

"Masasanay din naman sila, para next time kilala ka na nila. Baka baliin mo pa ang mga buto nila kapag di ka pinapasok." Napaismid lang ako sa sinabi nya at tumawa pa sya. As if may lakas ako ng loob na kalabanin ang mga Mafia, di ko pa nga nakikita ang kaya ni lang gawin. Saka mahina pa ko para lumaban sa isang Professional Killer no. Tss.

Pumasok kami sa malaking at nakakatakot na mansyon at halos manlamig ako ng makita kong nandito ang Death Zenon at ang grupo ni Zero, ano nga bang pangalan ng gang nila?

"Mukhang may bisitang kasama si Shyvana." Nakangising wika ni Red. Yep, wala silang mga maskara. Ako lang at si Shy ang meron.

Napatingin ako kila Zero na matiim lang na nakatitig sakin.

As if they know who's the person behind this mask. Err....

Umiwas ako ng tingin at sumunod na lang kay Shy ng maglakad na ito at di na pinansin ang dalawang grupo.

"Sabi na nga bang mas magmumukha syang bad boy kapag wala syang salamin." Napalingon ako kay Shy dahil sa sinabi nya.

"Buti naman at naisipan na nyang mag contact lens, sagabal lang ang eye glasses sa napaka gwapong mukha nya." Napangisi ako ng mapagtanto ko na ang sinasabi nya. "Uhuh..." Pagsang-ayon ko habang tumatango. Dragne, lalo nga syang naging mas kapansin-pansin dahil wala na syang salamin.

"Alam kong may isang taong dahilan kaya nya inalis ang salamin nya. Well, I salute at that person, she makes the Speechless and Geek Dragne more charming and handsome. Yiee~"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi nya at pumasok na kami sa isang malaking pinto at another hall way na naman ang bumungad samin. Phew, walang katapusang hall way.

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now