[Chapter 3: Zix and Red]

4.2K 73 0
                                    




~*~

Katniss' Point of View

"Saan ang punta nyo Nanay?" Lumapit ako agad kay nanay Estela na naka bihis ngayon at palabas na sana mg bahay. "Mag-gro-grocery lang ija. Sige na mauna na ko at may lilinisin pa ko mamaya pagdating ko." Hinawakan ko si nanay sa braso at di na pinaalis.

"Nay ako na po ang bibili ng mga stuffs ko. Ingat." I kiss her on her cheeks at tuluyan ng umakyat sa room ko.

Kakayari ko lang mag breakfast at wala akong magawa ngayong weekend.

Gusto ko sanang ihatid si Kath sa airport kaso ang dad nya pala ang maghahatid sa kanya. Naligo na ko at nagbihis saka kinuha ang sling bag ko at lumabas. Kasama si nanay si tatay Cris kaya ako na lang ang magda-drive.

Kinuha ko ang susi ng sarili kong kotse at lumabas na ng bahay.

"Ate Summer alis lang ako saglit." Pagpapaalam ko sa pamangkin ni nanay at saka sumakay sa kotse ko.

Ilang weeks ko na ring di nagamit ang lamborghini na to. "Let's get it on." I started the engine and drive the way to the nearest mall in the subdivision.

Mabilis kong nai-park ang kotse ko at agad akong lumabas ng kotse.

Aish... Ano ba tong nararamdaman ko? Feeling ko may kanina pang sumusunod sakin eh. Huminga na lang ako ng malalim at pumunta sa isang department store at bumili ng mga kailangan ko. Girl stuffs.

~*~

Zix's Point of View

"Akala ko ba babalik na tayo sa mansion, eh ano pang ginagawa natin dito?" Tss. Bakit ba kasi pinasundo pa nila ako kay Red? "Tumahimik ka na lang at sundan mo ang naka denim shirt na babaeng yun." Utos ko sa kanya, sa naman nya tinignan ang babaeng tinutukoy ko.

"Yung naka pink longs sleeve?" Tumango na lang ako sa kanya saka nagpamulsa at sumunod sa babae.

"Bakit naman natin sya kailangan sundan." Bakit ba ang daldal nito? "May sumusunod kasi sa kanya at pakiramdam ko may balak syang gawing masama sa babae." Yun na lang ang sinabi ko at hindi na sya pinansin ng tumango sya.

Pumasok kami sa isang department store kung saan pumasok ang babae.

"Ang layo naman natin sa kanya. Dyan ka na nga." Tignan mo to, kapag tungkol sa babae ang bilis-bilis.

Napailing na lang ako ng lumapit na sya ng tuluyan sa babae. "I'm sorry." Paumanhin nya ng kunwari ay mabangga nya ang babae at mahulog ang phone nito. Pinulot ni Red ang phone ng babae at kamot batok na binalik sa babae ang phone.

"Thanks." Isang matamis na ngiti ang iginawad ng babae at namula pa ang loko. Psshh..

"Hehe, tulungan na kita." Agad na kinuha ni Red ang basket na hawak ng babae at sya na ang nagbuhat.

"A-ahh...." Di na nakapagsalita ang babae ng magsalita si Red. "I insist." Manilis na sabi ni Red kaya napakamot na lang ang babae sa kaliwang balikat gamit ang kanang kamay saka tumango.

Nabaling ang atensyon ko ng makita ko ulit ang lalaking nakaitim na sumusunod sa babae kaya sinundan ko ito.

Panay ang tingin nya sa paligid kaya panay rin ang tago ko tuwing tumitingin sya sa pwesto ko. Hanggang sa makalabas ng department store sina Red ay sinusundan parin sila ng lalaki.

Lumabas na ng mall sina Red at hinatid pa ni Red ang babae sa kotse nito.

Papaalis na sana ang lalaki ng hilahin ko ito sa isang tagong lugar at padapain ito sa sahig.

"Urgh.." Inda nya ng ilagay ko sa likod nya ang dalawang kamay nya. Agad kong kinapa ang leather jacket na suot nya at nakuha ko ang isang hunter knife at isang baril. "Bakit mo sinusundan yung babae?" Pilit nya akong tinitignan pero hinahawakan ko ang ulo nya para di makalingon.

"Sino ka ba ha?" Maangas nyang tanong at di na pinansin ang tanong ko.

"Isang sagot isnag tanong, bakit mo sya sinusundan?" Natawa lang ito sakin. "Kapag sinabi ko ba sayo papakawalan mo ko?" Napangisi na lang ako at agad na tumayo mula sa pagkakadagan ko dito saka tumalikod.

"Madali kang kausap at ganun din ako. Ibalik mo ang mga gamit ko." Humarap ako sa kanya at kita ko ang panglalaki ng mata nya ng makita ako.

"Base on your expression you know me." Binigay ko ang gamit nya na tinanggap nya naman at napaupo na lang ako ng itulak nya ko at kumaripas sya ng takbo palayo. "Shit!" Ano bang problema nun? At bakit kilala nya ko at parang takot na takot sya sakin?

Pinagpag ko na lang ang pants ko at pumunta na sa kotse ni Red.

"Bakit ang tagal mo? Look, nakapagpa-picture pa ko sa kanya. Kaso di ko ntanong ang pangalan nya." Di makapaniwalang napatingin ako kay Red. "First time Red na hindi mo natanong ang pangalan ng isang babae. Na starstruck?" He unconsciously nod at sumakay ng kotse.

"She's different." He said at may ngisi sa labing nagmaneho.

"Crazy.." Naibulong ko na lang at naiiling na umiwas ng tingin sa kanya.

~*~

Katniss' Point of View

Oh gosh... Feeling ko hanggang ngayon ay namumula ako.

Akalain mo nga namang se-swertehin ako ngayong araw at may nakasama akong gwapo! Yiee~

Tinulungan akong magbuhat ng basket at hinatid pa ko hanggang sa kotse ko! Kyah! "Hoy, hoy. Ano yan? Parang ang saya-saya mo ah?" Pagbaba ko ng kotse ay tinulungan ako ni ate Summer sa dala ko at nagawa pa nya akong tusukin sa tagiliran.

"Kat-kat? Are you blushing?" Tanong nya ulot kaya napahawak na lang ako sa magkabilaan kong pisngi.

"Hindi ah..." Pagde-deny ko saka inunahan syang maglakad.

"Tita Estella si Kat-kat oh, pulang-pula ano kayang ginawa ng babaeng to?" Waahh.... Pinagtutulungan nila ako. Lumapit sakin si nanay at inalis ang dalawa kong kamay sa pisngi. "Anong nangyari sayo? May sakit ka ba?" Umiling lang ako kay nanay at bigla na  lang akong niyakap ni ate Summer mula sa gilid.

"Gwapo ba?" Unconscious akong napatango sa tanong ni ate kaya lalo akong nahiya ng tumawa sya at napatawa na din si nanay.

"Kinikilig pala ang magandang dalaga namin dahil sa isang gwapong lalaki?" Panunukso ni nanay kaya napapout na lang ako sa kanila ni ate Summer. Wala na, napagkaisahan na ko. Phew...

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon