[Chapter 9: Connor and Lawrence]

2.6K 52 1
                                    




~*~

Err...... Asar! Lima na lang ang natitira at lima na ang napatulog ko sa nakalipas na pitong minuto, at ngayon malalagot talaga sakin ang lalaking nasa harap ko. Nasuntok nya ko sa kaliwang braso at siguradong magkakapasa yun. Madali lang akong magkapasa dahil na rin sa napakaputi kong balat.

Umabante sya palapit at ganun din ang ginawa ko, I punch his face pero nakaiwas sya at sinipa ang binti ko. Napaluhod ako pero nagawa kong patidin ang isa nyang paa kaya nadapa sya sa harap ko at nagawa kong sikuhin ang likod nya.

Tss. Six downs.

Napalingon ako sa likod ng maramdamang may nagbato ng isang bato sakin pero nasalo ko ito at hinanap ang bumato.

Napangisi ako ng makita ang nanlalaking mata ng apat na natitirang lalaki.

Umpisa pa lang ramdam kong minamaliit nila ako.

Pagtayo ko ay tumakbo ang dalawang lalaki papunta sa magkabilaang gilid ko. Nag tumbling ang isa pang lalaki papunta sa harap ko. Pag landing nya ay sinipa nya ko sa sikmura at hindi ko ito nasangga. I maintain my position at di ininda ang sakit.

Tss. Dalawa pa lang ang natatamo ko, isang pasa at sipa sa sikmura pero nakakainis pa rin talaga.

~*~

Amber's Point of View

Mukhang naiinis na si Katniss ngayon at kanina ko pa napapansin ang nakakaasar na ginagawa nya. She's not doing step back. Pfftt.... Tuwing umiiwas sya ay kahit minsan ay di nya ginawang humakbang paatras. I like that style.

Napangisi ako ng hindi manlang sya natinag sa kinatatayuan nya ng masipa sya sa sikmura. Tough.

Kita ko ang pagkainis ng mukha ng lalaking sumipa kay Katniss pero napangisi ito ng mahawakan ng dalawang lalaki ang braso ni Katniss. May isa pang lalaki na pumunta sa likod nya at ng sisipain na nya ng likod ng tuhod ni Katniss ay napanganga na lang ako ng mag backward sya.

Maraming namangha sa ginawa nya.

Ng mag landing sya ay sakto sa lalaking nasa likod nya at nadaganan ito. Nakawala sya sa may mga hawak nya kaya nasuntok nya sa mukha ang dagan-dagan nyang lalaki.

Umabante na si Katniss at nagsimulang labanan ang isa pang lalaki.

Sinuntok sya nito pero nahawakan nya ang kamao ng lalaki saka siniko ang balikat nito.

Namamangha talaga ako sa mga ipinapakita ng babaeng to ngayon.

Eight downs.

Ang dalawang natitirang lalaki ay sabay na sumugod at sinuntok sa mukha si Katniss pero nailagan nya ito at lumusot sa gitna ng dalawa saka nya ito hinawakan sa balikat at pinag-untog ang dalawa.

Umingay ang paligid, puno ng sigawan at pagche-cheer ang ginawa nila para kay Kat--este kN.

"kN! Wooohhh!! You're the Best!"
(Of course!)

"kN! You're so cool and hot!"
(Malamig at mainit?)

"Can I treat you on a date?! I like you kN!"
(WTH??!! Haha.... Iba talaga si Katniss.)

Natatawang kumaway ako kay Katniss na nasa gitna ngayon at dinudumog ng mga fighters. Mukhang sisikat ang new fighter natin. Magaling, malakas, matapang at maganda pa! Mali, dyosa pala.

Lumapit na sya sakin at nakipag fist bump.

"That was an amazing fight, kN." sabi ng host na si Connor. "Psst. Amber! Sino ba yang lalaki na yan, kanina pa nagsasalita pero di ko naman alam ang pangalan nya." Kunot noong tanong ni Katniss sakin.

"I'm Connor. I didn't expect you're into me." Napalingon kaming dalawa sa likod namin at parehas na gulat ang mukha.

"Nice to meet you Ms. kN." aniya saka inabot ang kanang kamay ni Katniss at hinalikan ito. Mukhang interesado si Connor kay kN ah? Not bad, he's really handsome at madaming fighters na patay na patay sa kanya. May makisig na katawan at mala Adonis na kagwapuhan.

Nahalata kong namumula si Katniss ng halikan sya sa kamay ni Connor.

Kinikilig ang gaga.

"That was amazing and you're so strong." Compliment ni Connor at halos di na makapagsalita si Katniss.

"If you have time, I just want to invite you in a dinner." I saw Katniss took a sigh and speak. "I'm busy. And if you don't mind, mauuna na ko. Kita na lang tayo Shyvana." She call me on my codename na real name ko din naman. Umalis na sya agad at sumakay sa motor nya saka nag helmet at mabilis na pinaharurot paalis ang motor.

"Rude..." Naibulong ko na lang.

"She's really something.......and I like it. So Ms. Shyvana, mauna na din ako." Tumango na lang ako kay Connor at umalis na din sya.

"Ano naman kayang nangyari sa babae na yun?" Nagulat na lang ako ng may humapit sa bewang ko kaya napatingin ako dito. "New member? She's your friend, right?" Tumango lang ako sa kanya. "I want her." Napataas ang kilay ko sa sinabi ng babaero na to. Malamang makakita lang to ng maganda at sexy gusto na nya agad. Tss.

"Huh. Let's see. Did you know that Connor is into her, too? Baka dito pa tumaob ang isang Lawrence Zayn Hamilton." Ginulo lang nya ang buhok ko at pinisil ang ilong ko.

"Hinahanap ka ni kuya, may date daw kayo." Nag salute ako sa kanya at inalis ang pagkakahawak nya sa bewang ko. "Roger, sir." Wika ko saka umalis.

Yung kuya nya? He's my boyfriend, isn't obvious? Psshh....

Pero ano bang nangyari sa Katniss na yun at parang naging bad mood nung inaya syang makipag date ni Connor? Aish... Loka din ang babae na yun! Ang swerte nya kaya! Kung ako lang ang inaya nya papayag ako! Kaso di na ko single eh. Loyal ako, haler....

Tsk. Mamaya ko na nga sya tatawagan, may date pa kong pupuntahan eh.

At mukhang gustong makipaglaro sa kanya ng magaling na casanova. Aish.....

Nagsasawa na ba si Lawrence sa mga wild nyang babae? Pfftt..... Parang naging green minded ako sa pagkakasabi ng 'wild' ah? Aish..... What am I thinking? Nami-miss ko lang siguro ang siraulo kong boyfriend. Wanna know his name? Sya lang naman ang nag-iisang Zerix Hamilton ng buhay ko.

(Ehem! Ehem!)

Ok, wag masyadong exagg.

Pumunta ako sa mansion nila at huminto sa tapat ng entrance door ng mansion. Pumasok na ko at nakasalubong ko si Zix. As always. Poker face.

I didn't mind him at pumunta na lang sa Baby ko.

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now