[Chapter 32: He's Back]

1.6K 39 1
                                    




~*~

Katniss' Point of View

"Huy~ Wag ka nga kasing magtampo~" She just rolled her eyes at me and left me still sitting on my chair here in the room. Nagtatampo si Amber sakin. Kung bakit? Dahil dun sa nangyari kahapon. Bakit daw hindi ko nilabanan si Rin, bakit ko daw hinayaan na saktan nila ako, eh malakas naman daw ako at kayang-kaya syang labanan.

Aish..... Ayaw ko naman kasing makasakit pa ng iba kung gagamitin ko ang mga skills ko sa pagpatol sa impaktang yun.

Saka, kung ano-ano lang naman ang mga trip ng mga yun at mali ang mga iniisip nila. Urrgh..... Saka, alam ng lahat na bago pa lang ako dito, low profile. Tapos bigla ko na lang papatumbahin ang Queen Bee nila.

Yep, she's the Queen Bee of the HU. Amber just tell me, she was gone before because of their company problems.

Back to my explanations. Saka ayaw ko din namang maging center of attention ng campus, alam kong gets nyo naman ang pinupunto ko. Pero kahit di ko sya pinatulan, ganun din ang kinalabasan, mabilis kumalat yung tungkol sa ginawa sakin ni Rin. Ewan ko na lang kung nakarating na kila Dylan, di pa kasi sila pumapasok at lunch na wala pa rin sila. Saka, sinabi kaya ni Zix sa kanila?

Although, Zix doesn't know where did I get my ankled sprain. Hehe.... I didn't told to him even he ask me many many times. Hehe...

Wala lang, trip ko lang na wag sabihin. Joke! Alam ko namang pagagalitan ako ni Dylan kapag nagsumbong yung Malamig na Lalaki na yun! Tsk.

Papalabas na sana ako ng room para mag lunch ng biglang may pumasok ng room at natulak nya din ako paloob. Bigla nyang sinara ang pinto at sumandal sa likod ng pinto. Kunot noong tumingin ako sa kanya habang sya ay nakayuko at hinihingal. Mukhang galing to sa takbuhan ah?

"Uhmm... Excuse me? Are you, ok?" Hinawakan ko ang balikat nya at bigla na lang syang napatayo ng maayos kaya mahina akong napaatras.

I saw his cheeks turned red and he even look at me head to foot. What's with this guy?

He's not one of my classmates, hindi sya naka uniform saka naka tattered jeans at white v-neck shirt lang sya. "Are you a transferred student?" Tumango lang sya sakin at napaiwas na lang ako ng tingin dahil titig na titig sya sakin.

"Uhmm.... Is this your classroom?" Tanong ko pa saka nya tinignan ang hawak nyang phone.

"Ahh... Y-yes. Sorry nga pala at natulak kita." Umiling lang ako at tipid na ngumiti. "Its ok." Tumango lang sya at napahawak na naman sa batok nya.

Namumula na naman ang mukha nya. Madali mo lang iyon mapapansin dahil halos kakulay ko lang sya, pero mas maputi parin ako. I guess his a half Korean? And half Fil? He has this cute expression pero kapag titignan mong mabuti ay ang matured ng itsura nya at parang ibang tao na sya kapag naging serious ang expression nya.

"Bakit ka nga pala hinihingal na parang galing ka sa track and field kanina?" He bit his lips and run his hand through his hair.

"Ahh... Ehh... Kasi.... Hinahabol ako ng mga fans ko." Nakapout nyang wika. Napataas lang ang kilay ko sa sinabi nya pero mukhang sincere naman ang pagkakasabi nya at hindi sya nanloloko o nagsisinungaling. "Are you a model?" Base kasi sa itsura nya at dating nya pang bench body! Aish! Ano ka ba Katniss!

Tumango naman sya sa tanong ko kaya napa-'ahh' na lang ako.

"Hehe.... Ako nga pala si---" magpapakilala na sana sya ng bumukas ang pinto ng room at may sumigaw. "Gavin!" Sabay kaming napalingon sa apat na lalaking nasa tapat ng pinto.

Napakamot lang sa batok yung lalaki at ngumiti sakin. "Gavin." Pagpapatuloy nya. Kaya natawa n alang ako at tinanggap ang kamay nya. "Nice to meet you. I'm Katniss." Tumango lang sya at pilit pinipigilan ang pagngiti kaya kumunot ang noo ko. "Shet! Ang lambot ng kamay nya!" Napakagat labi ako may marinig akong binulong nya bago bumitaw.

"Sorry ulit! Sige, una na ko Katniss. It's very very nice to meet you!"

Nag wave na lang ako sa kanya habang natatawa. Anong meron dun sa lalaking yun? He's very cool and.. Cute.

Papalabas na din sana ako sa room ng makita ko si Gavin na nasa gilid ng room at kasama na nya yung apat na lalaki.

"Zix?" Bulong ko habang kunot ang noo na nakatingin sa isang lalaking kasama ni Gavin. May ibang barkada din pala ang malamig na lalaking to, hindi lang pala sila Dylan? Mukhang napalakas ang pagkakasabi ko ng pangalan nya kaya napalingon sya sakin at pati na sina Gavin at yung mga lalaki.

Gavin wave at me when he saw me and I smile back.

Nakatingin pa rin ako kay Zix at sinusuri sya. Parang may iba  akong nararamdaman sa kanya, it feels like there is something that different from him right now.

Nagulat ako ng ngumiti sya sakin at biglang naglakad papunta sakin. Anong problema nya ngayon? Ano namang nakain o nainom ng lalaking to at ngumingiti sakin? The last time I checked he's cold at me when we are in school, though we're not in school.

He paused from walking when he's inches away from me.

Nakangiti pa rin sya habang nakatingin ng diretso sa mata ko. "You didn't change, you still look simple, yet gorgeous." Nangunot ang noo ko sa tono ng boses nya at sa mga sinasabi nya.

Bakit parang masaya sya na makita ako at parang kilalang-kilala nya ko?

"Get away from her, Zero." Napalingon ako sa humawak sa braso ko na nasa gilid ko na pala.

My lips parted when I saw him. What the actual fuck? "Zix? Zero?" Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa when something hits me. Shoot! Darn!.............. I can't believe it! Zix has a twin! And it's name was Zero. Oh man! Even me, I didn't realize that he even have a twin! Shocks!

"Zix. My twin. Aren't you happy that I'm back?" He's back? Ibig sabihin galing na sya dito dati? Pero bakit sya umalis?

"I'm not. Never." Nangunot na naman ang noo ko sa sagot ni Zix at bigla na lang nya kong hinila paalis dun. "Don't you ever try to get near to him." Di na ko nakapagsalita ng iwan na nya ko sa tapat ng garden.

What's with that twin?

Oh ghod! He has a twin! He really has! Shocks! Aish....

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan Clanحيث تعيش القصص. اكتشف الآن