[Chapter 28: Visitors?]

1.6K 33 0
                                    




~*~

Tsk. One week. One week ko ng napapansin na parang may laging sumusunod sakin. Kaya naman mas nagiging alerto na ko at maingat. Malay ko bang may mga kalaban na pa lang nagmamanman sakin o kaya naman mga street fighters ng UG na alam na ang identity ko bilang si kN at gusto akong itumba?

Saka yung sing-sing na napulot ko? Dun kaya yun sa taong sumusunod sakin?

Naahh.... I'm being paranoid, AGAIN.

Tsk. Back to myself and to Amber. Last week pagkatapos kong gawin ang mga quizzes ko ay naikwento na din nya sakin kung bakit sya bad mood and we end up in a quite place while drinking a canned beer.

Nagtatampo lang pala ang gaga sa bf nya. Zander ba yun? Basta...... Kasi nga daw hindi sya tumawag ng higit dalawang araw?

Nabatukan ko pa nga si Amber for the first time!

Masyadong selfish ang loka. Para dalwang araw lang, pero kung sabagay. Kung palagi naman silang nagkakausap sa phone, palaging nagte-text tapos biglang di magpaparamdam ng dalawang araw?

I shook my head to erase all of my thoughts about last week.

I should focus on my trainings for the battle and for my study dahil malapit na ang 2nd sem exam.

Napatigil ako sa pagbabasa sa ebook ko ng may tumawag sakin. "Hello." Bati ko sa nasa kabilang linya. ["What do you think you're doing? Bakit ka umalis sa mansion?"] Oh-ow... So, alam na nya?

Well, paanong di nya malalaman agad, eh lagi atang updated tungkol sakin tong Dylan na to.

Too protective, couz..

"Uhmm.... Kasi...... Ano---" hindi na ko nakapagsalita ng marinig ko ang pagbuntong hininga nya. ["Give me your address."] napasimangot na lang ako at tumango kahit di nya nakikita. "Ok.... I'll send you the address. Byei~~" I ended the call and search his name on my contacts and message him.

Pupuntahan kaya nya ko? Pwede din, nabo-bore na din kasi ako dito sa bahay. Walang kasama at tinatamad akong lumabas.

Wala kaming pasok ngayong friday dahil sa meeting ng mga profs dahil sa nalalapit na 2nd sem exam. Urrgh.... Hell week is coming.....

I always call the examination days a type of Hell days. Hassle!

Napatayo na ko ng sofa at naisipang lumabas ng bahay. I need some fresh air. Para kasing bigla akong na suffocate ng maisip ko ang exam days. Plus, mas magiging hassle pa dahil kailangan ko ding mag training dahil sa malaking battle na mangyayari sa UG. Psshh.... Nag-inat-inat ako saka inayos ang damit ko. Napahinto ako sa ginagawa ko ng may mapansin ako sa kabilang banda ng kalsada.

Napatakip ako sa mukha ko ng makita ko syang nakangisi habang nakatingin sakin at nakasandal sa motor nya.

"Wh-what are doing here?" Gulat na tanong ko sa kanya pagkababa ko ng mga kamay ko.

Nagkibit balikat sya saka tumakbo at tumawid sa kalsada papunta sakin. "So, dito ka na nakatira?" Nagpamulsa sya sa hoodie jacket na suot nya saka nilibot ang tingin sa bahay ko. Unconscious akong tumango at tumingin na sya sakin.

"Ano nga ulit ang ginagawa mo dito?" Ulit kong tanong na kinibit balikat na naman nya.

"Napadaan lang ako, tapos nakita kitang lumabas dyan sa bahay kaya napahinto ako. Dito ka na pala tumitira, umalis ka na sa mansion nila kuya Logan." Tumango lang ako at tipid na ngumiti. "Ah, halika pasok ka muna." Mahina kong wika at tumingin sa kanya. He noticed my shyness and he slightly chuckle and bit his lip. "Cute." Ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko kaya napatungo ako.

"Haha.... I'm okay, aalis naman na din ako. I'll just want to make sure that you're fine."

Natahimik ako bigla sa sinabi nya at napatunghay. He scrambled my hair and chuckle. He even pinched my cheeks. "Mauna na ko. Take care. Mamahalin pa kita." Ngumiti na lang ako sa kanya at medyo nangunot pa ang noo ko dahil hindi ko narinig ang huli nyang sinabi.

Tumawid na ulit sya papunta sa motor nya sa kabilang kalsada at kumaway pa sakin bago sumakay ng motor saka sinuot ang helmet nya at umalis.

What's with that 'Blue' guy?

Ngayon ko lang sya nakausap ng matagal at ng malapitan. Nung unang pagkikita namin hindi naman kami naging close pati na rin nung tinitigan nya ko sa UG noong ako si kN, may something talaga sa lalaki na yun.

Umiling-iling na lang ako at napangiti dahil lang sa napadaan sya at may nakausap ako saglit.

Papasok na sana ako ng bahay ng maalala ko ang motor na gamit nya.

It's the same black ducatti that I saw on the crossing street last week. Sya din kaya yun?

"Ehem!" Napalingon ako sa nag fake cough sa likod ko at sumalubong agad sakin ang salubong na kilay nya. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit nya sakin at nakakatakot ang aura nya.

"H-hey, ang bilis mo ah?" Pilit kong pinasigla ang boses ko para matago ang kaba ko.

"Anong ginagawa ni Blue dito?" Seryoso at may owtoridad ang boses nya.

Feeling ko tuloy sinesermonan ako ni dad. Oh, screw it. "H-ha? Si Blue ba ka mo? Wla lang yun, napadaan lang sya. Teka, kanina ka pa ba dyan?" Tumango lang sya pero poker face naman ang mukha nya. Hayyy..... "Ano na namang pinuputok ng butsi mo?" Napaismid lang sya sa tanong ko saka naunang naglakad papasok ng gate. "I'm not in a good mood."

Nangunot lang ang noo ko sa sinabi nya at sumunod na din papasok ng bahay.

Oh...kay.... Sya ang unang taong nakapasok sa bahay ko imbis na si Kather---- erase! erase! Alam ko namang makakapunta din dito ang pusang yun.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nilibot nya ang tingin nya sa buong bahay at saka ko lang napansin ang mga dala syang eco bag ng iabot nya sakin ito. "Maghanda ka ng miryenda. Galit ako sayo." Monotone nyang utos at saka naglibot sa buong bahay.

Ano namang trip ng mokong na yun?

Napailing na lang ako at pumunta sa kitchen para maghanda ng miryenda.

Kanina si Blue ang kasama ko at parang may topak din at biglang naging FC (feeling close). Ngayon naman may mokong na iba ang trip at galit daw sakin na ngayon ay naglilibot sa loob ng bahay ko.

What's with the boys??

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now