[Chapter 6: Transfer Student]

3.3K 49 0
                                    




~*~

Dylan's Point of View

"Ready na sya?" Tanong ko kay ate Giana, fiance ni kuya Logan na kapatid ni Zix. "Huh? Ayan na sya." Aniya saka tinuro ang babaeng sumungkit sa puso ko. Pababa sya ng hagdan habang nakasabit sa kaliwang balikat ang bag nya. Naka school uniform na din sya.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray nya. Psshh... "Malamang sinusundo ka." Hinipan nya lang ang strands ng buhok nya na humarang sa mukha nya saka nagbeso kay ate.

"Una na kami." Paalam nya. Tumango lang si ate sa kanya at sakin. "Ingat sa pagdadrive, Dylan." Tumango lang ako saka na kami lumabas ng mansion.

"Ako na, kaya ko naman." Aniya ng kunin ko ang bag nya. "I insist." Madiin kong sabi kaya napabuga na lang sya ng hangin. Pinagbuksan ko sya ng pinto ng kotse sa passenger seat.

"Are you ready?" Tumango lang sya saka ngumisi.

"I'm always ready." Nagkibit balikat lang ako sa sagot nya.

I hold her hand and look at her eyes. "You can do this, I'm always here for you Katniss."  She nodded twice at huminga ng malalim.

Yep. She's alive. Matagal ko ng alam na may gustong pumatay sa kanya at matagal ko ng alam na may kakaiba sa kanya at napakaespesyal nya. Wala syang kaalam-alam sa tunay nyang katauhan. Kaya heto ako ngayon at tinutulungan sya kasama ko si ate Giana at kuya Logan na mga agents.

Alam naman nilang lahat kung bakit ko tinulungan si Katniss. Hindi lang dahil sa kailangan at espesyal sya pero dahil naging mahalaga din sya sakin.

"Maraming salamat talaga, Dylan." Maluha-luha nyang sabi kaya napangiti na lang ako at ginulo-gulo ang buhok nya para pagaanin ang atmosphere. Para kasing iiyak sya ng sobra kapag di ko pa sya kinulit.

"Tama na ang drama, papasok pa tayo sa bago mong university." Natawa na lang din sya at tumango kaya sinimulan ko ng magdrive papuntang university.

***

"Sure ka ba?" Tumango lang sakin si Katniss. "Kaya ko na ang sarili ko. Sige na mauna na ko. Kita na lang tayo mamaya after class." Tumango na lang ako at nagsimula ng maglakad papuntang room ko.

"Late ka ngayon ah?" Tanong sakin ni Blue. "Saan ka galing?" Segunda ni Red. Tss. Bakit ba ang tsismoso ng mga to? Kalalaking tao.

"May hinatid lang. Saka wala pa nga ang prof natin late agad?" Sabay silang nagkibit balikat at tumabi sakin. "Nasan si Zix?" Pagkatanong ko dumating naman si Jacob. "Nagliliwaliw lang yun." Sagot nya sa tanong ko kaya tumango lang ako.

~*~

Katniss' Point of View

Phew... Buti na lang at di na ko pinilit ni Dylan na ihatid sa room ko. Paano naman kasi kadarating lang ng kotse ni Dylan panay na ang mga tingin ng students at lalo pang dumami ang nakatingin noong lumabas kami sa kotse.

Buti si Dylan at parang di na nya nararamdaman ang mga titig ng mga students sa kanya, eh ako halos mga death glares na ang natanggap ko kaninang pagkababa ko pa lang ng kotse.

Saan na nga ba ulit ang room ko? Napa face palm na lang ako ng maalala kong nakalimutan ko na dalin ang sched ko.

Nakalimutan ko din na kuhanan ng picture.

I roam my eyes in the whole corridor and I saw a guy standing near me. Lumapit ako sa kanya at nagtanong. "Excuse me? Can I ask where's the principals office?" Yun na lang ang tinanong ko para makakuha ng bagong copy ng sched para malaman ko ang sched ko ngayon.

He just faced me with his cold stares and creased his forehead. Mahahalata mo sa aura nya na hindi sya friendly, tahimik at mukhang laging seryoso. Parang gangster.

"Uh-uhmmm...." Damn.... Ang awkward! Kung makatingin naman kasi si kuya nakakapangliit. "Excuse me miss." Sabay kaming napalingon sa isang lalaking may kulay silver na buhok at may mga hikaw sa kanang tenga. "Uhmm, bakit?"

Nagulat ako ng hawakan nya ang kaliwang pulsuhan ko at ngumisi. "Alam ko kung saan ang principals office, ako na ang maghahatid sayo." Aniya saka tumingin dun sa lalaking una kong pinagtanungan pero binaling nya din agad ang tingin sakin. "Tara na." Aniya at akmang hihilahin na ko ng hilahin nung isang lalaki ang kanang braso ko kaya napatigil ako sa akmang paghakbang.

Napatingin ako sa lalaki na humila sa braso ko at walang sali-salita na hinila nya ko paalis at iniwan yung lalaking may kulay silver na buhok.

Di na ako na kapagsalita dahil sa bilis nyang maglakad. Napapaiwas na lang ako ng tingin sa mga students na napapalingon saming dalawa.

Bigla akong napahinto ng huminto sya sa tapat ng isang pinto. "You're a transfer student?" Tanong nya sabay tingin sakin. Agad naman akong napatango. "Tss. You look weak, and thin. Bakit dito mo pa gustong mag-aral? Di porke may kapangyarihan ka mananalo ka na." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Psshh.... Here's the PO." He said at saka ko lang naramdaman na binitawan nya ang braso ko na kanina pa nya hawak.

"T-thank you." Shocks! Nakakatakot naman kasi sya tumingin. Nagpamulsa lang sya at di na ko pinansin saka umalis. Phew..... Pasalamat na lang ako at nakarating na ko sa PO.

"Good morning, Madame." Pagbati ko sa principal ng makapasok ako.

"What can I do for you, Miss?" Lumapit ako at umupo sa seat na nasa harap ng table nya.

"Gusto ko lang po humingi ng copy ng schedule ko. Katniss Harrison." Tumango sya at may kinuhang folder sa isang malaking cabinet. "Thank you, Madame." Tatayo na sana ako ng magsalita ulit sya. "Alam mo ija, kamukha mo ang kaibigan ko. Para kayong mag-ina kung pagtatabihin siguro kayo. You look like a goddess." I gulp. Mukhang may ideya na ko kung sino ang tinutukoy nyang kamukha ko at kaibigan nya.

Nag bow na lang ako at tumayo para maiwasan ang titig nya. "Thanks for the compliment, Madame. Mauna na po ko." Tumango sya kaya agad na kong lumabas ng PO.

Phew....

Kinuha ko ang phone ko para kuhanan ng picture ang sched ko at papaalis na sana ako ng makarinig ako ng boses ng mga babae sa bandang likod ng PO. What's that?

[][][]

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now