[Chapter 40: Chasing]

1.2K 31 0
                                    




~*~

Katniss' Point of View

Hangover....

I moan when I get up on the bed and the sunbeam directly hit my face. Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko saka lumabas ng veranda.

Mariin akong pumikit bago magmulat ng mata at nilibot ang tingin sa paligid. I took a glance on my wound na may benda na. Hayyy..... Ang daming pangyayari pagdating ko dito sa Mafia City, at meron din akong nalaman.

Urrgh.... Napahilot ako sa temple ko ng sumakit ang ulo ko.

Napasuklay ako sa buhok ko gamit ang daliri saka napatingin sa isang lalaking nakaupo sa isang upuan at nakatitig sa malayo. Zix.....

Ang alam ko ay ang mansyon na ito ay ang kugar kung saan nagkikita at nagme-meeting ang mga mataas na Elites at makakapangyarihan na tao. Dito din tumutuloy ang mga bisita ng Mafia City. Kaya sobrang lawak at elegante ng buong lugar.

Napatakbo ako papasok ng kwarto ng lumingon sa pwesto ko si Zix. Damn.... Wala akong mask.

Pero sino naman kaya ang nagtanggal ng mask ko?

Hinanap ko iyon pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush at lalabas na sana ng kwarto ng may kumatok. Kunot noo kong binuksan ang pinto at isang di inaasahan na tao ang nasa labas. What is he doing here?

"Surprised?"

Napalunok ako at unti-unting umatras. Sigurado akong di lang sya nag-iisa. Pero paano sya napunta dito?

"Tatakas ka parin? Kung ayaw mong sumama ng maayos, kukunin na lang kita ng sapilitan." Nagulat ako ng hilahin nya ang kanang braso ko at may tinurok sa tagiliran ko dahilan para muntik na kong mapaluhod pero nasipa ko sya sa bewang at tumakbo ako papunta sa veranda.

Biglang tumunog ang alarm ng buong mansyon at narinig ko na lang na may nabasag mula sa loob kaya napalingon ako sa lalaki. "Damn you, jackass." I scoffed when he throw a vase on me.

Napatingin ako sa baba at nakitang tumatakbo si Zix papasok ng masyon.

"Huh. Mahuhuli din kayo." Wika ko sa lalaki na ikinagusot ng mukha nya.

Bwisit. Ito na ang pangalawang beses na gusto nila akong makuha. The first one is in Ate Gia's Wedding day. Nakapasok sila sa bahay kaya lumayo ako para di na madamay sina Ate Gia na ikakasal kinabukasan. Psshh... Naiirita na talaga ako sa kanila. Ano ba talagang kailangan nila sakin?

Naglabas sya ng baril dahilan para lalo akong mapaatras pero railings ng veranda na ang nasa likod ko.

No choice!

Tumingin muna ako sa lalaki bago tumingin sa baba at lumunok. I can do it. Mariin akong pumikit saka tumalon ng veranda. Narinig ko pa ang tawag sakin ng lalaki bago ako nakaapak sa lupa. "Shit! Shit! Shit!" Pagbagsak ng paa ko ay napahiga ako at dalawang beses na gumulong. Agad kong tumayo at tinignan ang nasa taas na lalaki na mukhang bwisit na bwisit na.

Nag salute lang ako sa ibang mafia na nakakita sakin bago ako pumasok sa loon at hinanap si Shy.

Napayuko ako ng may humila sa braso ko pababa.

Katniss: The Lost Princess of Sheridan ClanWhere stories live. Discover now